Chapter 3 Ms. Starbucks

4.1K 77 2
                                    

Annalise Athena Macardi

"Feeling better?" tanong ni Marian nang makita niya akong gising na.

"Yeah," maikling sabi ko at nginitian siya.

"Good to know. Pumunta rito kanina si Tita, kaso tulog ka pa." tumango lang ako sa sinabi niya at nag paalam na maliligo lang saglit.

Matapos kong maligo ay sumunod siya sa akin at sabay na kaming pumunta sa kusina upang makakain nang agahan.

"Gala tayo?" itinaas taas niya ang kanyang kilay at malaki ang ngiting tinanong ako.

"Where?"

"Oy! Interesado!" pang-aasar niya na ikinailing ko.

"Swimming nalang tayo rito. Baka pagalitan ako." mahina ang boses na sabi ko. Hindi ko alam kung papayag siya kaya naman iniyuko ko ang aking ulo at hinintay ang sagot niya.

"Good idea! Samahan mo ako sa bahay, kukuha ako nang gamit ko. Sleepover ako rito." lumawak ang ngiti ko sa sinabi niya at nag liwanag naman ang mukha niya.

Matapos naming kumain ay sinabihan ko sila manang na mag prepare nang pag-kain para sa amin at e prepare lahat nang gagamitin namin sa pool.

"May alam akong kainan. Hindi siya pangmayaman pero masarap!" nagulat ako sa sinabi ni Marian habang nasa byahe kami.

"Kumakain ka sa hindi mamahalin?" inosenteng tanong ko.

"Of course! Ikaw lang naman ang hindi!" aniya na ikinahiya ko.

"My dad won't let me enjoy those things even if I want to." malungkot ang boses na sabi ko.

"I'm sorry," aniya.

"Why are you saying sorry?" tanong ko at nilingon siya.

"Feeling ko na insulto kita sa sinabi ko." sinulyapan niya ako saglit bago ibinalik ang atensyon sa daan.

"Hindi ah! Wag ka ngang mag-isip nang gan'yan." sabi ko na nagpabalik sa ngiti niya.

"So, gusto mong e-try?" tanong niya ngunit nang aalangan akong umuo.

"Don't worry! Safe naman doon at tsaka hindi naman malalaman ni Tito." kabado man, nakuha ko pa ring umuo at hinayaan siyang dalhin ako sa lugar na hindi ako pamilyar.

"Pa'no mo nalaman ang lugar na ito?" tanong ko habang nag lalakad kami papasok sa isang kainan.

"May nagdala lang sa akin rito na kaibigan ko. Masarap ang pag kain kaya naman binalik-balikan ko." aniya at hinila na ako papasok. Naupo kami sa may gilid banda at malapit sa electricfan.

Hindi masyadong malawak ang lugar, hindi rin naman masikip. Sakto lang siya at medyo mainit.

"What do you want?" tanong ni Marian nang may babaeng lumapit sa amin at binigyan kami nang menu.

"Uhmm... I don't know. Ikaw nalang pumili." nahihiyang sabi ko, at gusto kong irapan siya Marian dahil halatang natatawa siya, gano'n rin ang kumukuha nang order kaya sinamaan ko siya nang tingin at kita ko naman ang takot sa mukha niya.

"Isang kare-kare tsaka isang menudo! Then dalawang rice!" masiglang ani Marian, aangal pa sana ako kaso nakaalis na 'yung waitress.

"Kakakain lang natin, Marian!" mahinang singhal ko sa kanya.

"Trust me, kaya mo 'yung ubusin lahat. Tsaka ilang subo lang kinain natin sa bahay niyo! Nakakasawa ang gano'ng pag-kain." umiling nalang ako sa sinabi niya at hinintay na ibigay ang order namin.

"Oww shocks! I forgot my wallet in the car. I'll just get it. I'll treat you." kinindatan ako ni Marian at dali-daling lumabas sa kainan.

Habang hinihintay si Marian, narinig kong tumunog ang pintuan nang kinakainan namin kaya naman napatingin ako sa pintuan at nag tama ang mga mata namin nang lalaking nag papabilis sa tibok nang puso ko.

Forgotten Memories [Kainuyan Island Series #2] [Completed]Where stories live. Discover now