Chapter 30 His side

3.6K 70 10
                                    

Hernando's POV

My life was boring. Puro bahay, hospital, gatherings na related sa pamilya ko lang ang inaatupag ko. Wala naman akong panahon sa babae dahil busy sa ospital at minsan naman kapag nagkaka girlfriend ako ay hindi naiintindihan ang trabaho ko.


But my boring life was became exciting when Annalise came. She's so beautiful and cheerful. She's friendly with everyone. She became my drinking and shopping buddy. Palagi siyang nandiyan para sa akin. Kapag may problema ako, nandiyan siya para makinig. Kapag umiiyak ako dahil may pasyente akong hindi nailigtas, nandiyan siya para patahanin ako.


"Hernando! Pst!" tawag niya sa 'kin nang makapasok siya sa office ko.


"Bakit?" agarang tanong ko.


"Samahan mo ako," aniya na nag papacute pa.


"Saan?"


"Mall! May bibilhin lang ako."


"Anong oras ba?" tanong ko dahil mamayang alas tres pa ako mababakante.


"4pm! Saglit lang naman, Hernando."


Pumayag ako sa gusto ni Annalise at sinamahan nga siya. Namili siya ng mga damit, sapatos at kung ano ano pang pweding bilhin ng isang babae.


"Akala ko ba saglit ka lang? Halos dalawang oras na tayo dito ah," nang-aasar na sabi ko at napa ngiti siya ng pasingkit ang mata. Napaka-cute!


"Sorry! Lilibre na lang kita!" magiliw niyang anunsiyo pero tumanggi ako.


"'Wag na. Tubig na lang." Tumango siya sa gusto ko at bumili kami ng tubig.


Iniabot niya ang tubig na binili para sa akin at ininom naman niya ang para sa kaniya.


"Cute mo namang uminom." Tumatawang sabi ko.


Napatigil ako sa pag tawa nang maramdaman kong nabasa ang damit ko.


"Annalise!" nag babanta ang boses na sabi ko.


"Ikaw kasi eh! Tinatawanan mo ako, edi tinapunan na lang kita!" aniya at imbis na mainis ako ay natawa ako dahil mukhang proud pa siya sa ginawa niya.


Nagtawanan kaming dalawa ni Annalise habang tinutuyo niya ang damit ko. Malamig ang panahon ngayon kaya naman nilamig ako lalo dahil sa tubig na ibinuhos niya sa akin.


"Tara na?" 'aya niya at iniabot ang kamay sa akin.


Pinakatitigan ko muna ang kamay niya bago ko ito nakangiting inabot at nag lakad kaming dalawa papuntang parking lot.


Madalas kaming mag holding hands ni Annalise. Minsan nga pinag kakamalan kaming mag kasintahan dahil sa sweetness namin. Para sa kaniya ay normal lang ang lahat. Akala niya pangmag kaibigan rin ang mga ganito. Pero hindi niya alam na dahil sa mga ginagawa niya ay unti-unti akong nahulog. Unti-unting nahulog 'yung loob ko sa kaniya. Sa paglipas ng panahon ay nakabuo ng kakaibang espasyo si Annalise sa puso ko.


Araw-araw kong dinadalangin na sana ay gano'n rin ang nararamdaman niya. Hinihiling ko na sana ay matugunan din niya ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa kaniya. Pero kapag hindi pareho ang nararamdaman namin ay willing akong mag hintay para sa kaniya. Willing akong paghirapan ang lahat hanggang sa mahalin niya rin ako.


Isang taon na si Annalise sa Hospital. Mag-iisang taon na rin ang nararamdaman ko sa kaniya. Nag hahanap na lang ako ng tyempo para umamin kay Annalise. Hindi ko na kayang itago pa. Gusto ko na lang na malaman niya para makahinga na rin ako nang maluwag.


Forgotten Memories [Kainuyan Island Series #2] [Completed]Where stories live. Discover now