Chapter 5 New Friend

3.3K 58 0
                                    

Annalise Athena Macardi

"Annalise, library tayo," ani Marian habang may malawak na ngiti.

"Huh?" naguguluhang sambit ko.

"Sabi ko library tayo. Let's review! May quiz and recitation tayo later, remember?" aniya at tumango ako.

"Yeah, I know. What I mean is, bakit ka nag-aaya sa library? Hindi naman masama, pero nakakapanibago."

Marian is not the library type. Ayaw na ayaw niyang nag rereview sa library dahil boring daw. She prefer studying in benches than sitting and studying in the library for hours!

"Ehh! Basta tara na!"

Wala na akong nagawa nang hilain niya ako. Pumunta kami sa pwesto ns malapit sa bintana at wala masyadong tao. Marian knew that I hate studying when many people are around. I get distracted so easily, kaya kung maaari, tahimik talaga ang lugar.

"Let's start with..."

"Biochem!" masiglang aniya at inilabas ang notes at libro niya sa Biochem.

"Are you serious right now?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"What do you mean?" aniya habang naka focus pa rin sa pag babasa.

"You're really studying? At sa library pa." hindi makapaniwalang sambit ko.

"Alam mo, Annalise, manahimik ka na lang at mag review." hindi makapaniwalang tinignan ko siya at umiling-iling bago inilabas ang libro ko sa Biochem.

Nakapag review naman na ako kaya wala na akong problema. Gusto ko lang siyang samahan at mag review nalang ulit para sure.

"Hey."

Tinignan ko ang lalaking umupo sa harap ko at nakita kong si Paolo iyon. Bigla akong kinabahan at nahiya, pero hindi ko ipinahalata.

"Why are you here?" walang emosyong tanong ko.

"To study?" hindi siguradong sagot niya.

"You can sit in different table,"

"But I want to sit here." bumuntong hininga na lang ako sa sinabi niya at tinignan si Marian na naka ngiti at nag sorry pero mababasa lang iyon sa labi niya.

"So, Nursing student ka pala." aniya at tumango ako.

"What year?" he asked.

"First." maikling sagot ko.

I don't know how to talk to him, okay! First time ko 'to!

"Do you love your course?"

"Yes, you?" sumilay ang maliit na ngiti sa labi niya nang ibalik ko ang tanong niya.

"Yup!"

"What's your course?" tanong ko dahil hindi ko pa naman pala alam pero tinatanong ko na kung mahal niya ba ito.

"Archi." sabi niya nang may malawak na ngiti.

"For real?" tumango-tango siya na ikinahanga ko.

"You want me to make a portrait of you?" nag liwanag ang mukha ko sa kanyang sinabi at walang hiyang tumango sa offer niya.

"Okay, then. Are you free on Saturday?" he asked at tinignan ko naman si Marian.

"Yes, she's free!" si Marian na ang sumagot sa akin dahil siya naman ang mag papaalam.

"Where should I pick you?"

"Uhmm. I'll bring Marian with me, is that okay?" nahihiyang tanong ko.

"Of course!"

"Hindi kasi ako pinapayagan nang wala siya." tumango si Paolo sa sinabi ko at agad naman akong napangiti.

I love arts. Tsaka naiinggit ako minsan sa mga magaling mag painting or anything na magaling sa arts dahil hindi ako marunong. I want to learn how to draw, pero I'm too busy to do that. Buti na lang marunong si Paolo at i po-potrait niya ako!

"Paolo, alis na kami. May quiz kami eh." paalam ko nang makita ko sa relo ko na alas dos na.

"Sure! Goodluck sa quiz. I'll study my lessons muna." aniya na dumagdag sa pag hanga ko sa kanya.

Tuluyan na kaming umalis ni Marian at pumunta sa room upang maka pag handa na. Pag dating namin doon ay samo't saring klase nang studyante ang naabutan namin.

Ang iba chill na lang sa upuan nila. Ang iba naman nag lilibot para mag hanap nang papel at ballpen. Karamihan naman sa kanila ay mga nag ca-cram.

"Harap tayo." sabi ni Marian na ipinagtaka ko nanaman.

"You're really something today." Sabi ko at naupo na sa katabing upuan niya.

"Shut up." inirapan niya ako at nag seryoso na. Naguguluhan man ay pinabayaan ko na siya at hinintay na lang na mag simula ang quiz.

30 minutes lang ang quiz and as usual, perfect ako at syempre si Marian.

"Sarap pala sa feeling maka perfect!" sabi niya na ikinatawa ko.

"Oo naman. Efforts are paid off." tumango siya sa sinabi ko at 'inaya nanaman ako sa library.

"Wala naman na tayong klase kaya matutulog ako!" hinila niya ako ss library at umupo kami sa inupuan namin kanina.

"Matutulog muna ako, ha." tumango ako sa gusto niya at inilabas na lang ang libro ko at nag basa.

"Sipag ah." napapitlag ako sa kinauupuan ko nang may biglang bumulong sa tenga ko.

"Sorry. Nagulat yata kita." sabi ni Paolo na sinamaan ko lang nang tingin.

"O! 'Wag nang magalit. I have something for you." sabi niya at inilabas ang isang sketchpad at ipinakita ang sketch niya.

"Wow!" hindi ko maitago ang pag hanga ko sa ginawa niya.

"Do you like it?" tumango ako sa sinabi niya at umupo siya sa tabi ko.

"I will give this to you tomorrow. May gagawin lang ako." tumango ako sa sinabi niya at pinakatitigan ang gawa niya.

Isa iyong sketch nang paborito kong tambayan, ang harapan nang chapel. Ang ganda nang pag kakagawa niya nang mini field at 'yung details sa mga puno, benches, flowers, swings at lalong lalo na 'yung eagle statue. Everything was sketch so nicely! Kahanga-hanga ito at may mga tao rin doon na nag kalat sa mini field. This place is really nice. Hindi siya tahimik, pero hindi mo mararamdaman na malungkot ka dahil palaging may mga taong nakatawa.

"I love this." sabi ko at hinaplos ang gawa niya.

"That sketch will be yours tomorrow." nginitian ko si Paolo at gano'n rin ang ginawa niya.

"Can... I call you later?" tanong niya na nag pabilis nang tibok nang puso ko.

"S-sure." nauutal ns sabi ko.

"Matapos kong gawin ang plates ko I will call you immediately!"

"Take your time. Mag rereview din naman ako." tumango siya sa sinabi ko at nginitian nanaman ako nang matamis.

"Why am I excited?" I just shrugged at his question kaya natawa kami.

"Saya niyo ah. Parang walang natutulog." mahina kaming napahagikgik ni Paolo nang samaan kami nang tingin ni Marian dahil nagising siya.

"Tinatawa-tawa niyo dyan?!" napalakas ang boses niya kaya naman nasita kami nang librarian.

"Marian!" suway ko at inirapan niya lang ako kaya nag tawanan kaming tatlo.

I guess... I found a new friend.

Forgotten Memories [Kainuyan Island Series #2] [Completed]Where stories live. Discover now