Chapter 27 Past

2.1K 52 31
                                    

Frenan Lucas Saavedra

4 years ago...

Masakit ang katawan ko. Ang bigat bigat nang pakiramdam ko. Parang ang hirap hirap igalaw nang mga bahagi ng katawan ko. Hirap na hirap akong imulat ang mga mata ko pero nagawa ko. Dahan dahan ko itong iminulat at bumungad sa akin ang puting kisami. Inilibot ko ang mga mata ko at puro puti ang paligid ko.

What happened?

"Frenan? O, God! Finally, you're awake!" Rinig kong sabi ni Mommy.

Sinubukan ko siyang lingunin at nakita kong may namumuong luha sa mga mata niya.

"Mom...," hirap na hirap na sambit ko.

Napakadaming nakakabit sa katawan ko. Meroong benda ang ulo ko at may cast ang paa at kamay ko.

"Antonio! Call the doctor!" agad na utos ni Mommy kay Daddy na agad niyang ginawa. Makalipas lang ang ilang minuto ay nagdatingan ang mga ito.

Inalis ng doctor ang oxygen na nakakabit sa akin. Chineck nila ang vital signs ko at kung ano ano pang bagay na kailangang e check sa akin.

"Can you move your fingers?" tanong ng doctor.

"If you can hear me, blink your eyes," ginawa ko ang sinabi niya.

"Can you follow my hands?" aniya ag iginalaw ang kamay niya. Sinundan ko ito nang tingin at napangiti ang doctor.

Marami pang ginawa ang doctor sa akin at nang matapos sila ay sinabihan sila mommy nang dapat gawin bago sila umalis sa kwarto ko.

"Frenan?" tawag ni mommy. Unti unti ko silang nilingon at nakita kong naluluha pa rin siya.

"Mom...," hirap pa ring ani ko.

"Anak, kailangan mo munang mag pahinga. 'Wag ka munang gagalaw dahil mahina pa raw ang katawan mo."

Gusto kong mag tanong kung anong nangyari pero hindi ko magawa. I was too weak to speak. I was too weak to think and my body is not responding. Makalipas lang ang ilang minuto ay inaantok nanaman ako. Hindi kinakaya nang katawan ko ang pagod at napakasakit pa rin talaga nito. Nakita ko sila Mommy na nag-aayos nang mga gamit at nanonood naman si Daddy sa television na nasa kwarto ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at ilang minuto lang ay nakatulog ulit ako.

Paulit-ulit akong nagising pero nakakatulog rin ako kaagad. Dalawang araw pa ang lumipas bago naging maayos ang pakiramdam ko. Naigagalaw ko na ang ibang bahagi nang katawan ko at nakakapag salita na rin ako. Hindi pa rin klaro ang nangyari sa akin kaya naman nag hahanap ako ng tyempo na matanong si Mommy.

"Anak, are you feeling okay?" tanong ni Mommy at tumango ako.


"Do you want anything?" she asked and I nodded.

"Water," sabi ko at binigyan ako ni Mommy. Ininom ko nang dahan dahan ang tubig na binigay niya at inabot naman niya ang baso nang matapos ako.

"Mom," tawag ko sa ina. Humarap siya sa akin at nag hihintay nang susunod kong sasabihin. "What happened?"

Tila inaasahan na ng aking ina ang katanungan kong iyon kaya napabuntong hininga na lang siya at naupo sa silyang katabi nang kama ko.

"You and your girlfriend Annalise are involved in a car accident."

Iyon pa lang ang nasasabi ni Mommy ay tila tubig sa ilog na rumagasang bumalik ang mga ala-ala ko noong araw na 'yon.

Forgotten Memories [Kainuyan Island Series #2] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon