Chapter 28 Bakit...?

2.3K 52 24
                                    

Annalise Athena Macardi

Nang magising ako ay nasa loob nanaman ako ng isang private room. May nakakabit nanamang dextrose sa akin at puro puti nanaman ang kulay na nakikita ko.

"Annalise!" nag-aalalang ani mommy nang makitang nakamulat na ang mga mata ko.

"Are you, okay?" tanong niya at tumango lang ako.

Tinawag ni Mommy si Hernando at agad naman itong pumasok kasama ang nurse. May test nanaman silang ginawa sa akin at pagkatapos no'n ay lumabas na ang nurse at nag-paiwan si Hernando.

"How's your head? Masakit ba ulo mo?" nag-aalalang tanong niya.

"Hindi naman," mahina ang boses na sagot ko.

"Next time, tell me or anyone about your headaches, okay. Hindi nakakabuti sa'yo ang palaging pinipilit ang—" nahinto si Hernando sa pag sasalita nang putulin siya ni Mommy.

"Ah, doc. Can we talk?" tanong ni mommy at tumango naman si Hernando. Lumabas silang dalawa sa kwarto ko at ako naman ay nanatiling naka higa at nakatitig sa kisami.


What kind of scenes are those? Is it possible that I have amnesia? But my parents are not saying anything about it!

Halos mabaliw na ako sa kakaisip kung ano ang mga 'yon. Kung gawa gawa lang ba ng isip ko o meroon nga akong amnesia. Pero kung meroon man akong amnesia, dapat sinabi ng magulang ko sa akin diba para aware ako? If ever I have amnesia, there are different therapies that we can do so that I can remember. But my parents haven't introduce those to me kaya wala naman siguro?

"Annalise, aalis lang muna ako, ha. I'll just buy foods for us. Want do you want?" tanong niya.

"Kahit ano na po, mom." Tumango ang mommy ko sa sinagot ko at lumabas na sa kwarto ko.

Sobrang tahimik sa loob. Wala akong ibang naririnig kundi ang tunog ng aircon. Sinubukan kong buksan ang TV ngunit walang matinong palabas. Napabuntong hininga na lang ako at napag desisyonang puntahan na lang ang mga kaibigan ko nurse station.

"You're here! You love ruining our plans huh." Natawa ako sa sinabi ni Amanda.

"I'm sorry for ruining your plan, again." Natawa kaming tatlo sa pinag sasasabi namin at natahimik lang ng biglang bumukas ang elevator.

Napatingin kami sa gawing iyon at nakita kong lumabas ang isang lalaki at babae. Parehong maganda ang tindig, halatang mayaman at malinis ang ayos.

Doc Frenan is here!

Hindi na magkamayaw ang pagkabog ng dibdib ko dahil siguro sa kaba at sa hindi ko malamang dahilan. Napatingin sila sa gawi namin at napahinto si Doc Frenan nang mag tama ang mga mata namin. Nakita ko ang gulat sa mukha niya at pumintig naman nang malakas ang puso ko. May kung anong emosyon ang nabubuo sa puso ko pero hindi ko matanto kung ano 'yon.

Nag lakad papalapit ang dalawa sa amin at rinig na rinig ko ang malakas na kabog nang dibdib ko. Hindi ito maawat sa pag kabog at tila nag slow motion ang lahat.

"Athena?"

Tila huminto ang paligid ko nang marinig ko ang boses niya. Muli kong narinig ang boses na nasa panaginip ko at tila nag kakaroon na rin nang mukha ang lalaki roon.

"A-are you okay?"

Lumapit sa akin si Doc Frenan ngunit umatras ako papalayo sa kaniya. Nag taka siya sa inasta ko at tinignan ako na may katanungan sa kan'yang mukha.

Forgotten Memories [Kainuyan Island Series #2] [Completed]Where stories live. Discover now