Chapter 2 Marian

5K 89 8
                                    

Annalise Athena Macardi

"Miss, are you okay?" natauhan lang ako nang tanungin ako nang lalaki at tumango sa tanong niya.


"I'm really sorry. Hindi kita nakita." hingi niya nang tawad at inabot sa akin ang panyo.


"Oh shit! Are you okay, Annalise? May masakit ba? Saan?!" nag pa-panic na tanong nang aking kaibigan.



"I'm fine. Medyo mahapdi lang 'yung balat ko kasi mainit 'yung coffee." malumanay na sabi ko at ipinunas ang panyo na binigay nang lalaki.


"I'm really sorry, Miss." there's a glint of guiltiness at his face kaya naman alam kong sinsero siya sa pag hingi nang tawad.


"It's fine. Thanks for this." itinaas ko ang panyo at tumango naman siya.


"Nakuha mo na ba ang order natin?" tanong ko at iniabot naman nang stuff ang order ni Marian.


"Let's go." 'aya ko at tumango kaagad si Marian.


"I'm sorry." hingi ulit nang tawad nang lalaking nakabuhos sa akin at nginitian ko lang siya.


"It's fine. Just be careful next time." at umalis na nga kami ni Marian sa Starbucks.


Pumunta muna kami ni Marian sa isang boutique upang bumili nang damit ko. Kailangan kong mag palit dahil nanlalagkit ako sa kape.



"Wipes, please." sabi ko at inabot naman sa akin ni Marian ang wipes niya sa bag at pumasok sa ako sa dressing room.

Kilala ni Marian ang may ari nang boutique at gano'n rin ako kaya naman pwede na akong mag bihis agad rito.


Tinanggal ko ang uniform ko at pinunasan ang parte kung saan alam kong natapunan nang kape. Mahapdi talaga siya kaya napapangiwi ako sa tuwing nalalapatan ko ito nang wipes. Matapos ang pag-lilinis sa katawan ay isinuot ko ang ang blouse na binili namin at isang skirt. Bumili rin kami nang flat sandals para bumagay siya sa damit na suot ko.


"Better?" tanong ni Marian at tumango ako.


"Uwi na tayo. Ma le-late ka na sa party mo." nanlalaki ang mga matang tinignan niya ang relo at parang owl nanaman ang mga mata niya.


"Let's go!" Tarantang sabi niya at nagmamadaling bumaba sa parking lot.


Agad na nila akong inihatid sa bahay at nag paalam na agad si Marian kahit na 'di pa niya nakikita sila Mommy.



"I'm home." pagod na sabi ko at nag naglakad papalapit sa akin si Mommy.



"Hello, anak. Bakit iba na ang damit mo?" unang tanong niya matapos akong halikan sa pisngi.



"Natapunan po ako nang coffee kanina sa Starbucks." paliwanag ko at umukit naman ang pag-aalala sa mukha ni Mommy.


"Are you okay? Wala bang masakit? May paso ka ba?" sunod sunod na tanong niya at umiling lang ako.


"Jusko, salamat naman! Sige na, umakyat ka na at maligo. Kakain na mamaya." tumango ako sa gusto ni Mommy at umakyat na nga sa kwarto ko.


Inilagay ko sa lagayan ko nang bag ang bag ko at pumunta sa walk-in-closet ko upang mailagay ang sandals ko.


"I'm so tired." bulong ko nang makahiga ako sa kama ko.  Tumitig na muna ako sa kisame at biglang pumasok sa isip ko 'yung lalaking nakabanggan ko na naging dahilan upang pamulahan ako nang mukha.


Forgotten Memories [Kainuyan Island Series #2] [Completed]Where stories live. Discover now