Hindi naman ako Nawala

4 1 0
                                    

"Hindi naman talaga, umiwas lang ako ngunit hindi ako nawala." usal ko na may halong panginginig pa ang boses dahil pinipigilan ko ang luha.

"Pero iniwan mo parin ako kung kailan kailangan kita." Aniya

Marahan akong umupo sa kanyang tabi at sinubukan kong hawakan ang kanyang kamay.

"Na-miss kita." Sambit niya sabay yakap at halik sa aking noo.

Bumuhos lang ang luha ko at wala akong nasabi. Umiyak lang ako ng umiyak. Lahat ng naipon kong salita sumabay na sa agos ng luha na pumatak.

#MelinaLounaNarratiuncula

Compilation of writingsWhere stories live. Discover now