Dedicated to someone

3 1 0
                                    

Ang sakit parin sa puso tuwing maririnig ko ang pangalan mo . Akala ko nakawala na ako mula sa pag-ibig na kulungan na ginawa mo ngunit nagkamali ako . Hanggang ngayon alipin ako ng pag-ibig mong huwad. Umaasa parin  ako na balang araw babalik ka sa akin at sasabihin " Mahal , patawad sa araw ng ikaw ay aking lisanin." Handa akong tanggapin kang muli sa buhay ko . Ganun kita ka mahal . Ngunit hindi na ako talaga umaasa na babalik kapang muli sa aking piling . Tanggap ko na iba na ang taong gusto mong makasama hanggang libing .

Tanging alaala na masasakit na lamang ang kaya kong alalahanin dahil iyon na lamang ang tangi kong tatangkilikin upang kailanman hindo na kita isipin . Alipin man ako hanggang ngayon mula sa pagmamahalan na binuo natin . Balang araw matatanggap din ng buong pagkatao ko na hindi ka talaga para sa'akin . Mga sinusulat ko man ay patungkol sayo , huwag kang mag-alala dahil hanggang dito na lang ito . Hindi na kita gagambalain , hindi rin kita balak guluhin . Masaya ako na makita kang masaya . Kahit sa piling pa ng  taong kinaibigan ko pa .

(This is dedicated for one of my reader. You know who you are . Love love you Bunso .)

Compilation of writingsWhere stories live. Discover now