Rapunzel

1 0 0
                                    

"Rapunzel" (One shot)
-Melina Louna Narratiuncula version

            Sa gitna ng kagubatan  may isang dalaga na lumaki sa isang kastilyo na tore may isang bintana ngunit walang pintuan. Ang ngalan ng dalaga ay Rapunzel . Mahilig siyang tumugtog ng harpa at kumanta . Si Rapunzel ay isang napaka gandang dalaga na mayroong malagintong buhok na napaka haba .
       
             Tanging ang tinatawag niya lamang na ina ang nakakadalaw sa kanya , nagdadala Ng pagkain at ng mga damit. 

             Isang araw habang kalmado ang kalangitan at malamig ang hangin may napadpad na binata sa gitna ng kagubatan at nakita ng naturang binata si Rapunzel .

             "Magandang araw binibini, sa iyo ba ang  napaka gandang tinig na aking narinig?." Tanong ng binata kay Rapunzel. Ngunit ang dalaga ay sadyang napaka ilap . Kaya sa halip na tumugon ito ay nagtago sa loob at hindi sumilip .

             Sa taglay na kagandahan ni Rapunzel hindi na nakakapanibago na magustuhan niya ito kaagad . Kaya naman nag tiyaga siya at inalam niya Kung paano makaka akyat sa tuktok . Hanggang sa nakita niya na inilalaglag ng dalaga ang buhok nito tuwing kinakalembang ng ina Ni Rapunzel ang dala nitong maliit na kampanilya  . Dahil dito nagkaroon ng ideya Ang binata . Kaya lumuwas siya sa bayan at bumili ng maliit na kampanilya.

             Nang makabili na siya ng maliit na kampanilya kinalembang niya ito at ibinaba ni Rapunzel ang kanyang napaka habang buhok hanggang sa nakaakyat na nga ang binata . Labis ang pagkagulat ni Rapunzel sa ginawa ng binata . Ngunit hindi rin naman naglaon nagkamabutihan silang dalawa hanggang sa madalas na nga silang nagtatagpo sa tore .

             Eksaktong ika-100 araw nila hating gabi dumalaw ang binata na may dalang alak . Nagpakalasing silang dalawa hanggang sa naglapat ang kanilang mga labi , at inihiga ni Rapunzel ang binata sa malambot niyang kama at umibabaw nililis ang damit  at siyang labas ng matutulis na ngipin ng dalaga .

             Natakot ng sobra Ang binata ngunit Wala na siyang magagawa . Ang malagintong buhok ni Rapunzel ay mayroon palang sariling buhay na nagsilbing mga kamay upang Hindi maka palag ang binata . Walang humpay na sigaw at pagmamakaawa ang maririnig sa binata . Ngunit gutum na gutom na si Rapunzel matagal tagal na rin siyang Hindi nakakakain ng sariwang laman loob ng tao . "Mabilis lamang ito ginoo, dadalhin Kita sa langit." Usal ng dalaga bago niya simulan na lamunin ang parteng tiyan ng binata at higupin ang dugo nito upang di masayang .

               Tila isang musika kay Rapunzel ang pagtangis kaya hinahayaan niya lamang na mag-ingay Ang kanyang mga biktima hanggang sa mawalan na ito ng buhay .

                           -FIN-

Compilation of writingsWhere stories live. Discover now