Horror story of June

1 0 0
                                    

"Horror Story"

#HorrorSaJune

          I'm Ella 22years old. Simpleng babae na may simpleng buhay, College student na matiyagang nag-aaral para makapag tapos. Share ko lang yung horror story ko hehe. Wala lang gusto ko lang ma share yung saloobin ko about sa mga creepy na pictures na kinatatakutan ng ibang tao.
          Sisimulan ko noong bata pa ako. I was born with a gift, noon kasi takot na takot ako pero kapag araw-araw palang nangyayari makakasanayan mo na. Grade 3 ako nang una akong makaramdam ng kakilakilabot na experience about sa multo multo na yan. Bale pang umaga ako noon at 3am ako gumigising ipinagluluto ko kasi ng agahan ang sarili ko at ako ang nag aayos ng uniform ko gusto kasi ng Mommy ko na matuto na ako kahit bata pa ako.  So ayun tapos na akong kumain kaya tuloy na ako sa lababo upang mag hugas ng pinggan ng biglang may nag angat ng bestida na suot ko. As in umangat talaga at ang lamig sobra. Kaya napalingon ako baka kasi natabig lang ako ni Mommy o di kaya nagising si Daddy yun lang naisip ko nang matapos na akong mag hugas tumuloy na ako sa banyo para maligo . Habang naliligo ako may humaplos naman sa dibdib ko at sa likod ko. Napahinto na lang akong bigla at ginala ko ang aking mata ngunit wala naman akong nakita pagkatapos non ay ipinagpatuloy ko ang pagligo.

              Kinagabihan same day lang. Dating gawi gumawa muna ako ng assignments pagtapos namin mag dinner at naglinis ako ng katawan saka ako nag suot ng pajama at t.shirt. Ayos lang naman na hindi ako matulog ng maaga kaso Friday kasi noon kaya pagod ako that time dahil sa mga school activities. Kinabukasan 7am , ginising ako ni mommy at natatawa siya sakin. Tinatanong niya ako bakit ako nakahubad , as in wala akong saplot na kahit ano yung suot ko nasa baba ng kama ko at yung kama ko puro lupa at putik . Pagbangon ko ang sakit ng buong katawan ko lalo na ang hita ko may mga pasa din ako sa magkabilang braso ko . Bata pa ako that time Grade3 palang kaya di ko na lang pinansin.
                After ng ilang years 22years na ako muling nangyari saakin yung eksaktong nangyari sa akin nung grade3 pa ako. Di ko padin pinansin kasi ayoko talaga na pansinin yung mga papansin na mga nakikita ko na hindi nakikita ng ibang tao. So nag birthday ako nag group picture kami ng mga tropa ko gamit ang polaroid cam na regalo sa akin. Laking gulat namin ng may nakita kaming itim na anino sa tabi ko. Nagkatinginan kami ng bestfriend ko at sabi niya. "Ayan na naman siya" . alam kasi niya yung about sa creepy na mga nangyayari sa akin so after that day, kinaumagahan tumungo kami sa albularyo.  Naniniwala naman ako sa mga engkanto, barang, kulam , multo at mga diwata pero laking gulat ko na hindi ordinaryong nilalang ang nakita ng albularyo. sabi sakin ni manong may nagkagusto daw sakin na demonyo hindi niya kayang tukuyin ang ngalan pero kitang kita daw niya na matagal na daw itong naka sunod sa akin. So nagtanong siya bigla "nene minsan ba humiling ka na sana masaktan ang isang tao?" nagulat ako sa tanong niya at dahil medyo maldita ako sumangayon ako at hindi ako nagkaila na nagawa ko nga iyon " nene tatanungin kita nagkatotoo ba?" at nanlamig buong katawan ko sabay sagot ng "opo, bakit po?" at nagmamadali niya kaming pinaalis ng kaibgan ko hindi niya daw ako kayang tulungan masiyado daw malakas ang nobyo ko kung tawagin niya.

             Hanggang ngayon hindi ko padin alam ang gagawin ko. Nakakakita padin ako ng mga multo pero napapansin ko na lagi silang malayo sa akin pag nagpapakita . Para bang takot sila. Hindi ko man maaninag ang mukha nila pero sa distansiya nila sakin tila may kinatatakutan sila. Kahit na ang bantay ko sa kwarto bigla na lang nawala ng bumalik ang aninong itim nang isang lalaki na palaging naka sunod sa akin.

hanggang dito muna hanggang sa muli

Compilation of writingsWhere stories live. Discover now