Imissyou

3 1 0
                                    

To :My Nightmare
Feb.15 ,2010 (mensahe para sa aking Hirang)
—Mensahe na kailanman, Hindi niya nasilayan

"I miss you"

            •i•

Mahigit kumulang
Siyam na taon simula ng ako'y iyong iwan
Ikaw parin ang tanging laman
Nang puso at isipan

Hindi nagbago ang pagtingin sa'yo hirang
Tanging ikaw lang ang nais makaulayaw

Lumipas man ang panahon
Pag-ibig ko sayo'y di nabaon 
Mananatili lang sa iyo
Pangakong pag-ibig ko noon

Limutin mo man ang nakaraan
Sariwain ito ay hindi ko pagsasawaan
Mananatili ka sa puso at isipan
Sakit ko man ang maging hadlang

              •ii•

Kung ano man ang ating nakaraan
Mananatili na lamang sa nakaraan
Bago mong kasintahan
Ang bago mong kasiyahan

Masakit man sa akin
Kayo ay pagmasdan
Ako'y di magdaramdam ,
Dahil yan ang ngiti na hindi ko noon nasilayan

Maraming salamat sa atensyon at pagmamahal
Kailanman at hanggang sa hukay ,
Hindi ko ito malilimutan

(This poem is too old . Gusto ko lang ii post dito
Bale 3rd Year HS ako dito , Official Break up namin ng last
na lalaki na minahal ko . Feb.10 kasi siya nakipag hiwalay. Pero Feb.15 yung official break up kasi doon talaga yung time na hindi na niya ako pinansin, up until now hindi na. But he made a promise na nagpabago talaga sa akin.)

)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Compilation of writingsWhere stories live. Discover now