Paalam

1 0 0
                                    

✒️

"Paalam"

        Sa kagustuhan kong kumawala sa rehas ng responsibilidad bilang panganay na anak , Ibinigay ko ang puting bandera sa aking kabiyak na siyang binahiran ng pula na isang tanda na isa na akong ganap na pag-aari niya . Hindi masamang lalaki ang aking huling lalaki na inalayan ng puri . Minahal niya ako ng higit sa kanyang sarili at inalagaan niya ako ng sobra pa sa aking iniisip . Ibinigay niya at ng kanyang Pamilya ang pagmamahal at atensyon na kailan hindi ko natamasa sa Pamilya na kinabibilangan ko .Ipinagmamalaki at sinusuportahan nila ako sa mga hilig ko . Labis niyang ipinadama na napaka importanteng tao ko . Kaya namak ng humantong kami sa aming mainit na samahan ay hindi ako nag dalawang isip na ito'y ibigay sa kanya ng buo.
        Di nag tagal mabilis na nag bunga ang aming pagmamahalan . Ni hindi niya ako hinahayaan na mapagod , Palagi niya ako hinahatid at sinusundo mula sa paaralan na aking pinapasukan . Ika-apat na taon namin noon ng gawin namin ang aming mga mahal na anghel . Kaya naman ng mag bunga ang pagmamahal ay sinuportahan ito ng kanyan buong pamilya at angkan . Maliban na nga lang sa aking pamilya . Wala silang alam sa laman ng aking tiyan ng mga panahon na iyon , hindi ko masabi sapagka't alam kong magagalit sila sa akin at ikaka hiya nila ako .
         "Ihja , masiyado ka pang bata sa pagbubuntis kaya iwasan mo ang matinding emosyon at labis na pagka pagod , maaari itong magdulot sa inyong kambal na sila ay malaglag mula sa iyong sinapupunan." Mahigpit na paalala noon ng aking doktor.
          Hirap man ako sa aking pagbubuntis ay nawawala ang sakit sa tuwing nararamdaman ko silang gumagalaw sa loob ng aking tiyan .

      "Hindi na ako makapag hintay na makita sila Mahal!." Sambit ng aking kabiyak habang hinihimas ang aking tiyan . 

        Upang maalagaan akong mabuti , Napagdesisyunan nila na dalhin ako sa ibang bansa upang doon na tuluyan palakihin ang kambal . Ang katwiran nila ay mas dekalidad ang mga doktor kaya mas maaalagaan ang maselan kong pagbubuntis . Binalak na din nila akong doon na mamuhay kasama sila at ang aking kabiyak hanggang sa magkapag tapos ako sa kolehiyo . Para matupad ang mga balak naunang umuwi ng Australya ang aking nobyo upang ayusin ang aming tirahan at ibang mga dokumento sa lilipatan kong paaralan .

         Napagkasunduan namin na kapag bumalik na siya ng Pilipinas ay hihingin na nila ang basbas ng aking mga magulang upang dalhin na ako sa ibang bansa at sasabihin na din namin ang tungkol sa aking pagbubuntis .

          Napaka sarap sariwain ng mga alaala , Ngunit napaka sakit ng katapusan .

           Saktong  ika-16 na kaarawan ng aking nobyo . Tumawag ang kanyang Ina  sa aking pribadong telepono. "Nak, Si JP hinahanap ka ."

           Sa tono pa lamang ng boses nito halatang may nangyari na hindi maganda . Dagdag pa ang sobrang pag sakit ng aking tiyan na halos mabiyak na sa sobrang sakit . "Mahal ko , bakit mo ako hinahanap?." Tugon ko na medyo nanginginig na tono ng boses sapagka't tinitiis ko ang sakit .

            Walang salita , Tanging malalakas na tunog ng makina sa ospital pandugtong buhay at pang suporta sa hininga ang aking naririnig sa kabilang linya . Unti-unti nang tumulo ng mga oras na iyon ang aking mga luha . Hanggang sa narinig ko ang kanyang pag hinga na tila nais niyang sumambit ng salita ngunit hindi kiya magawa . 

           "Mahal ko, Magiging maayos kami ng magiging kambal natin . Palalakihin ko silang mabuti ,magiging  masaya ako kung alam kong hindi kana Mahihirapan. Mahal ko , nawa'y gabayan mo kami ng ating mga anak . Mahal ko . Mahal na mahal kita . Sa pagpikit mo yakapin mo ako sa panaginip . Yakapin mo ako ng sobrang higpit na parang ayaw mo akong kumawala sa iyong mga bisig. " Sambit ko at tuluyan na ngang lumisan ang aking nobyo .

             Pinilit kong maging matatag at huwag magpatalo sa kalungkutan . Ayaw kong maapektuhan ang mga bata sa aking sinapupunan . Ilang linggo ang lumipas bago ang ika -limang buwan ng akin tiyan , Mula Australya ay umuwing abo ang aking nobyo . Pinaglamayan namin ang kanyan abo sa kanilang bahay . Nagsuot ako ng magara na puting bestida na siyang babagay sa aking pagbubuntis .

             At nakangiti pa akong lumapit at pinagmasdan ang mukha ng aking yumao na kasintahan . Nang biglang may matandang sumigaw "Dinudugo!!! May dugo!!!!"

                 Yun ang huling mga salita na natatandaan ko bago tuluyang dumilim ang aking paligid . Pag mulat ng aking mga mata , kaagad akong napahawak sa aking tiyan , Ngunit huli na ang lahat wala na ang kambal  iniwan na din nila ako . Doon ko naramdaman ang pagbagal ng oras at pagtahimik ng paligid , naramdaman ko din ang bawat patak ng luha na siyang naipon upang di mawala sa akin ang aking mga anak . Ngunit wala din pala itong silbi dahil ang mga naipon at naudlot na paghihinagpis ay nakalaan din pala sa nalalapit nilang paglisan .

—MelinaLounaNarratiuncula

—MelinaLounaNarratiuncula

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Compilation of writingsWhere stories live. Discover now