I love you 3000

2 0 0
                                    

— "Hindi tayo para sa isa't isa" —

"Kumusta kana? "

             Pagtatanong ko ngunit wala siyang imik . Nilingon niya lamang ako at ngumiti ng napaka tamis .

"Ngayon lang kita ulit nakitang ngumiti . Nasabik ako sa mga ngiti mo."

            Muling usal ko sabay tingin sa langit  . Halos wala nang paglagyan ang mga bituin sa langit sa dami ng mga ito . Napabugtong hininga na lamang ako at humiga sa damuhan .Napaka lamig ng hangin at sobrang sarap sa pakiramdam .
 
           Humiga rin siya at hinawakan niya ang aking kanan kamay at ibinigay niya sa akin ang singsing na ibinigay ko sa kanya noong  magkasintahan pa kami  at muli akong ngumiti ngunit sa pagkakataon na ito ang mga ngiti ko ay may luha nang kalakip .

"Maging masaya kana kahit wala na ako, wag mong ikulong ang sarili mo sa akin na hindi ka naman pinahalagahan . Mabubuhay ka parin kahit wala na ako . Masasanay ka rin na hindi na ako ang kasama mo sa pag gising at pag tulog mo . Matatapos din ang hinagpis mo mula sa sakit na dinulot ko sa'yo . Minahal naman kita kaso mas minahal mo ako  , Mahal patawarin mo ako kung nasakal at parang napagod na akong suklian ang sobra sobrang pagmamahal mo sa akin  . Hanggang dito na lang talaga tayo . Hindi kita kayang maging kaibigan tulad  ng nais mo . Magalit ka lang sa'kin dahil mas matatanggap ko ang galit mo kaysa sa walang sawang pagmamahal mo .  Hindi ako karapatdapat sa pagmamahal mo ilaan mo na lamang yan sa ibang tao . "

              Sambit niya habang nakatingin sa kalangitan at  hindi niya ako tinitignan . Hinawakan niya lang ng mahigpit ang aking kamay . Alam ko naman ang tungkol sa kasunduan ng kasal niya sa kababata niyang lalaki kaya hindi ko na din tinutulan ang kanyang desisyon na pakikipag hiwalay .

"Pero kapag ginusto mong takasan ang kasalan , pwede mo naman akong takbuhan . Tandaan mo at mayroon kapa rin na babalikan . Siguro hanggang dito na kga lang tayo ngayon . Malay mo sa susunod na buhay natin magtama na ang nararamdaman natin doon at sa huli tayo na ang magkatuluyan . Tanggap ko naman na ang lahat .. .Natatandaan ko parin naman ang mga sinabi mo noon sa akin noong bago pa lang tayo . Hindi ko kinalimutan nanatili lang iyon sa aking isipan . "

            Tugon ko at sa huling pagkakataon hinalikan ko siya gaya ng paghalik ko sa kanya noong una kaming magka kilala .
           

—MelinaLounaNarratiuncula

—MelinaLounaNarratiuncula

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.
Compilation of writingsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang