MLN thoughts

3 1 0
                                    

Sinusubukan kong tapakan muli ang daan kung saan tayo nanggaling noon. Ngunit hindi ko na alam, Naligaw na ako kung saan. Hindi ko namalayan ibang direksyon na pala ang tinatahak ko. Marami akong napuntahan na lugar kung saan hindi na kita kasama. Hindi na ikaw ang karamay sa bawat pagkakadapa ko. Lumilipas na ang umaga at gabi na hindi na ikaw ang kausap. Unti-unti akong natutong maging mag-isa. Ganun pa man, hindi ka nawala sa aking isipan. Ilang beses kong sinubukan na sabihin na huli na ang lahat ng lugar na napuntahan ko. Ngunit natatapos ako ng naglalakad papunta sa bagong lugar. Napapagod na akong mag lakad. Hanggang sa muli kong nasilayan ang mga bakas na iniwan mo. Malabo man ang mga ito ngunit alam kong sa iyo mismo nagmula ang mga markang naiwan sa dinaraanan ko. Sinubukan ko muli itong sundan. Ngunit ang daan na aking tinatahak ay animo'y walang hangganan. Ngunit nais kitang makasama upang mahagkan kaya naman kahit masukal na daan ang tinahak. Nagpapatuloy parin ako. Dahil sa dulo nito ikaw ang premyo ko.

—MelinaLounaNarratiuncula 🌷

Compilation of writingsWhere stories live. Discover now