After 3 days

1 0 0
                                    

"After 3 days " (One Shot)

          Makalipas ng tatlong araw ng kanilang hiwalayan muling nakipag kita si Philip kay Colt . Madalas silang magkita ng palihim sa Evergreen Paradise dahil punung puno ito ng magagandang halaman at nagtataasang mga puno sa gitna sa siyudad 'de Calbaryo' .

          "Para saan pa ang pagkikita natin Philp?." Tanong ni Colt sa dating nobyo. "Gusto kong sabihin mo sa akin na hindi mo na ako mahal, sabihin mo sa'kin na mas higit si Gelo kaysa sakin.Si Gelo na pinagseselosan ko .Si Gelo na walang ginawa kundi ang aluin ka sa tuwing nag aaway tayo ." Tugon ni Philip.

           "Una sa lahat ikaw ang nagdesisyon na maghiwalay tayo. Hindi ako , Hindi si Gelo walang iba kun'di ikaw lang . Wag mong isisi sa iba ang mga desisyon mo na hindi mo pinag-iisipan . " Sabi ni Colt sa dating nobyo sabay tapik sa balikat. "Masaya na ako sa bagong tao na nagpapahalaga sa akin . Ano pa ba Ang  gusto mong malaman para tumigil kana? ." Muling sambit ni Colt.

            Mahihinuha kay Philip ang pagpipigil sa mga luha na gusto niyang ibuhos sa dating nobyo . Ngunit napagtanto niya na may punto lahat ng mga inusal ni Colt sa kanya. Kasalanan niya talaga at siya ang nagpabaya.

             "Hindi naman porket iniwan kita may iba na ako , Hindi naman ibig sabihin nun ayaw ko na sayo, Hindi rin ibig sabihin hindi na Kita Mahal. Alam mo naman na nag seseminaryo na ako . Oo , pinili ko Yun over you . Pero humingi ako Ng sign kung ano ba ang dapat kong gawin . Ngayon , nandito ako sa harap mo nagbabakasakali na makabalik sa loob ng puso mo . Pero nahuli na pala ako.  Dahil may iba kanang pinapasok . Siguro nga dapat maging masaya ako dahil mas masaya ka sa piling niya kaysa sa akin noon . Ganun pa man , Hindi ko na itutuloy Ang pag papari kahit na hindi na ako ang pinili mo . Sabi ko hintayin mo ako pero hindi ko naman alam na hindi mo pala kayang maghintay . " Huling mga sambit ni Philip sa dating nobyo , sabay halik sa noo ni Colt at siyang buhos ng kanyang luha .

             Bago pa man umalis ng tuluyan . Inisauli Niya ang bigay na singsing ni Colt . At marahan na naglakad palayo . Sinubukan siyang pigilan ni Colt ngunit pinanindigan na ni Philip Ang kanyang desisyon . At tuluyan na nga silang nagkahiwalay .

                                FIN.

Compilation of writingsWhere stories live. Discover now