Yosi

4 1 0
                                    

"Ano ba ang pagmamahal?." Tanong niya

"Hindi ko din alam." Tugon ko.

"Masasabi mo bang pagmamahal ang nararamdaman mo kapag handa kang mag sakripisyo ng sarili mong kasiyahan.?" Muling tanong niya sa akin.

Sabay hithit sa sigarilyo na hawak ko at tinitigan ko siya.

"So mahal pala kita, dahil hinayaan kong isakripisyo ang pagmamahal ko sayo para lang mapunta ka sa maling tao." muling tugon ko

Tinitigan mo lang ako
Kitang kita ko na gusto mong lumuha
Parang nagsisisi ang iyong mga mata
Pero talagang mahal mo siya

"Bakit ngayon mo. lang sinabi yan?." Tanong mo.

"May magbabago ba sa atin kung sinabi ko noon?, Malamang meron. Pero kung meron man, Malamang layuan mo na ako." Tugon ko

at napangiti lamang ako sabay tingala sa kalangitan na puno ng bituin.

Napabuntong hininga ka lamang at di ka umimik.

#MelinaLounaNarratiuncula

#MelinaLounaNarratiuncula

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Compilation of writingsWhere stories live. Discover now