Chapter 25 - Time Freeze

32.9K 884 90
                                    

Chapter 25 – Time Freeze

Seri’s POV

THIS is our first day n Hunter na mag-research about sa tinatagong sikreto ni Ms. Erina. Kung bakit niya gustong palayuin si Shelby kay Connor.

Inutusan ako ni Hunter na magsuot ng itim na damit—black jeans, black long sleeves shirt and black jacket. Sa totoo lang para kaming hoodlum sa hitsura namin.

“Remember this, Seri. Bibilisan natin ang paghahanap. Ginawan ko ng 30 minutes ang pag freeze ng oras para hindi masayang ang paghahanap natin. Hindi tayo puwedeng lumagpas sa 30 minutes kasi may masamang epekto ‘yon sa mundo, do you get me?” seryoso niyang sabi.

“Yes. Pero paano kung hindi agad natin malaman ang totoo?”

“It’s okay. May next time pa naman. And don’t touch them at babalik sa dati ang lahat. Only non-living things ang puwede nating hawakan. Okay?”

“Sige,” kabado kong sabi. Huminga ako ng malalim saka ako humarap sakanya. Nandito kami sa tower kung saan ‘yung may malaking kampana. Mas mabuti raw kasing nasa mataas kaming parte ng Vampire City para makikita namin ang lahat kung gumagalaw pa o hindi.

“Hindi ako makakapag-teleport sa 30 minutes na ‘yan kasi kahit naka-freeze sila mararamdaman nila ang puwersa at baka maging reason pa ‘yon para bumalik ang lahat sa dati. Lalo na kay Great Aunt Erina. She’s very powerful.”

“Kinakabahan ako, Hunter. Natatakot ako sa malalaman natin.” Sabi ko. Ngumiti naman siya sa akin ng tipid at hinawakan ang dalawang kamay ko.

“Hindi ko hahayaan na mapahamak ka. Just say my name kapag natatakot ka, okay?” hinalikan niya ang ibabaw ng kamay ko kaya napangiti ako. Somehow parang nawala ang kaba ko dahil parang nagkaroon ng paru-paru sa dibdib ko. Kinikilig ako.

“Ready na ako,”

“Sige, in 3, 2, 1…” pumikit siya at niyakap ako. Dahan-dahan naramdaman kong lumalakas ng ihip ng hangin. Napatingin ako sa labas at nakita ko kung paano maging moving to still ang dahol. Unti-unti nagiging tahimik ang lugar. At kagaya no’ng una, tanging paghinga ko na lang ang naririnig ko.

“Okay na,” mahinang sabi ni Hunter. Tumango naman ako sakanya at dahan-dahan na kumalas sa yakap niya. As much as I wanted to hug him for a while ay hindi puwede kasi may importante kaming aayusin.

“We need to run from here to SMA. Kaya mo ba?” he asked me.

“Yes!”

Nauuna sa aking bumaba si Hunter at hawak niya ang kamay ko. Hindi pa man kami tuluyang nakakababa ay hingal na ako. Pero hindi ko kailangan magreklamo. There’s no room for complaint here so gagawin ko ang lahat para matapos agad ‘to.

Nakababa kaming tower at agad kong nakita ang mga kawal sa palasyo na parang mga manikin. Gusto kong matawa sa hitsura ng iba kasi may mga nagsasalita at nakabuka ang bibig pero kinontrol ko ang sarili ko at bawas na ang 30 minutes namin.

‘Yung tawang pinipigilan ko sa palasyo ay may mas ilalala pa pala. Ang daming studyanteng nagkalat sa school ground, hallway, at corridor. Nahirapan kaming iwasan ang mga studyante at sobrang ingat kong huwag silang mahawakan.

Paakyat na kaming second floor nang makita ko si Connor at ‘yung hisura niya parang patakbo. Napatingin ako sa likod niya at nakita ko si Shelby at sa position ng katawan niya alam kong hinahabol niya si Connor.

“Hayaan mo lang sila. Kailangan nating makapuntang Chancellor’s office.” Hunter reminded me. napatango lang ako.

Malapit na kami sa office ni Ms. Erina nang makita ko ang isang studyante na parang madudulas dahil may balat ng saging sa ilalim ng sapatos niya. Nahalata ata ni Hunter na doon ako nakatingin kaya inilayo niya ako.

Vampire City 3: Crimson LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon