Chapter 37 - Fragments

24.7K 719 32
                                    

Chapter 37 - Fragments

IBINALIK ko ang librong hiniram sa library ng Academy. Palabas na sana ako nang makita ko ang familiar na rebulto. Dahil curious ako kaya nilapitan ko 'to. pero nagulat ako kasi hindi siya nag-iisa. May kausap siya... or rather, may kayakap siya.

Nagtago ako sa bookshelves at tinitigan sila ng maigi. Nagkakamabutihan na pala si Shelby at Connor. At parang patago pa silang nagkikita. Alam kong piagbabawalan silang dalawa ni Ms. Erina na magkita.

Tuluyan na akong lumabas sa library. Hinayaan ko na sila. Hindi ko naman business ang pakialaman ang relasyon nila. Kaibigan ko si Shelby at kung saan siya masaya ay susuportahan ko siya.

Pababa na ako sa hagdan nang maramdaman kong may tumapik sa balikat ko. Napalinga ako at nakita ko ang babaeng nakangiti. Her face looks familiar pero hindi ko lang maalala ko kung saan ko siya nakita.

"I think this is yours. You drop this while walking," sabi niya. Ang lambing ng boses niya at ang amo ng mukha niya.

"Thanks," I said quietly.

"I'm Arlyanna, by the way. And you are..." she extends her arms for shake hands. Tiningnan ko naman ang kamay niyang nakalahad sa harap ko.

"Serenity... but I prefer Seri," sabi ko nang kunin ko ang kamay niya. Parang may gumapang na kakaibang kilabot sa kamay ko nang magdaop ang kamay namin. Napatingin ako sakanya at sa palagay ko ay ako lang naman ang nakaramdam ng gano'n.

"You're a student here, right? Transferee kasi ako. I actually don't have friends here kaya madalas ako sa library. Nakita rin kita kaninang pumasok at sinoli ang books," her smile and gestures looks genuine. I mean, wala naman akong naïf-feel na ka-plastikan sa mga sinasabi niya o maging sa kilos niya.

"G-gano'n ba?" I tried my best to return the favor-to be nice to her. But I have this weird feeling inside me. She looks beautiful and nice pero medyo hindi magaan ang feeling ko sakanya.

Nagtaka ako nang tumawa siya ng mahina na akalo mo'y nababasa niya iniisip ko.

"Do I look weird to you? Did I freak you out? I'm sorry. I was just trying to befriend you. Isang buwan na rin kasi ako rito pero wala pa akong nagiging kaibigan." Para naman akong na-konsensya sa sinabi niya. Alam ko ang feeling na walang kaibigan. Alam ko ang feeling na ma-bully. Mukha naman siyang harmless.

"You can hang out with me If you like," I said.

"Talaga?" tuwang-tuwa niyang sabi.

"Yeah. It's not a big deal. After all, hindi naman ako mapili sa kaibigan," I shrugged. Para naman siyang napatalon sa tuwa sa sinabi ko at kulang na lang pumalakpak.

"You're so nice, Seri. I like you!" she said. Napangiti lang ako sakanya

"Seri!" napaangat ako nang tingin at nakita ko si Ryder pababa ng hagdan at nakasilip sa akin.

"Hey, down here!" alok ko sakanya.

"Uhm, s-sige. I gotta go. M-may klase pa kasi ako, eh. See you around, Seri." Parang nagmamadaling sabi niya at dali-daling tumakbo pababa.

"Seri, sino 'yung kausap mo?" tanong sa akin ni Ryder nang makaharap niya ako.

"Ano... bagong kaibigan lang. Saan ka pala galing?" I asked.

"Sa Audio Visual Room lang. Ikaw?

"Library," tipid kong sagot.

"Saan ka pala papunta? Sabay na tayo. Magkikita ba kayo ngayon ni Kuya?" nagsimula na kaming maglakad pababa ng hagdan papuntang first floor.

Vampire City 3: Crimson LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon