Chapter 50 - Inferno

30.9K 765 102
                                    

Chapter 50 - Inferno

Third Person's POV

THE moment Serenity opened the orb starts the chaos. Everyone inside the Abbey was frightened when Lady Tauren showed up. Hindi sila basta-basta makalapit sakanya dahil may kakaibang aura na bumabalot sakanya. She's powerful.

The Elders advised everyone to vacate the Abbey pero tinawanan lamang sila ni Lady Tauren.

Wynnet, Hunter and Ryder tried to caught her pero masyado itong mabilis agad itong nawalang parang bula.

Pero bago ito tuluyang nakaalis ay nag-iwan ito ng mensahe para sa tatlo.

"Malakas nga kayong Royal family. Pero nagiging mahina kayo pag dating sa babae." Tumawa ito ng nakakademonyo.

"Ibalik mo si Seri!" gigil na gigil na sambit ni Ryder.

Bumaling si Wynnet kay Hunter na tahimik lang pero halata mong galit sa mukha niya.

"Ano'ng gagawin natin, Hunter?" nag-aalalang sabi ni Wynnet.

"We will find Lady Tauren. Dapat hindi natin siya pinakulong sa nakaraan. Dapat pinatay ko na siya!" Hunter's eyes became dangerous. Crimson and perilous.

Nanlaki naman ang mga mata ni Wynnet sa sinabi ng Prinsepe.

"Naaalala mo na ang lahat?"

"Nang buksan ni Serenity ang orb, naalala ko na rin ang lahat." Napatingin si Hunter sa kapatid at alam niyang pati 'to ay naalala na rin ang lahat. "Patawad, Ryder. Kung hindi ko tinupad ang pangako ko sa'yo." Ang tinutukoy nito ay ang pagbalik niya sa kaayusan ng lahat.

"Ang kaligtasan ni Seri ang mahalaga ngayon. Let's not be selfish right now." Pagkasabi ay bumaling it okay Hunter.

Sabay-sabay silang lumabas ng Abbey at doon nila nakita na may kasamahan si Lady Tauren na mga kapwa Shaman. They are powerful. Together, their power is enough to destroy the whole Vampire City.

"Hunter, Ryder! Ako na ang bahala rito! Find Seri!"

"Pero hindi pa natin alam kung saan siya!" sigaw ni Hunter.

"Ako ang maghahanap sa kanya." Sabi ni Ryder. "Mas madaling matatalo ang mga Shaman kung nandito ka, Kuya."

"Ryder is right," pagsasang-ayon ni Wynnet. Tumango lamang si Hunter. He wanted to save her. Gusto niya siya ang nandiyan sa tabi niya pero tama ang sinabi ni Ryder na hindi ito ang panahon para maging makasarili. Kaya kahit labag sa kagustuhan niya ay pumayag siya.

"Mag-iingat ka, Ryder." Sabi ni Hunter dahilan para mapangiti ng tipid ang kapatid.

"I will, Kuya." Ani Ryder. Sa hindi malamang dahilan ay gustong yakapin ni Hunter ang nag-iisang kapatid. Kailan ba siya naging mabuti rito? Hindi na niya maalala dahil isang karibal ang tingin niya sa kapatid.

Nang makaalis si Ryder ay nagteleport ang dalawa papunta sa harap ng kaharian.

'Nangyari na 'to.' sambit ni Hunter sa isipan. Naalala niya noong mga panahon na ginamit niya ang kapangyarihan sa unang pagkakataon. Nang muntikan ng mapabagsak ang Vampire City.

Lahat ng mga bagay na akala niya ay naayos niya ay bumabalik sakanya. Pero hindi niya kailangan pagsisihan ang lahat. He only do it because he loves his family so much that he has to sacrifice his life para maibalik sa ayos ang lahat.

Dahil isang mahalagang okasyon ang sana'y magaganap kanina kaya nandito lahat ng mga malalakas na vampira. Sa pangalawang henerasyon hanggang sa kasalukuyan. Pinalabas ng kaharian ang mabubuting Shaman para protektahan ang kaharian.

Vampire City 3: Crimson LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon