Chapter 2 - Welcome to Vampire City

57.3K 1.2K 73
                                    

Chapter 2 – Welcome to Vampire City

 

Napanga-nga lang ako nang makita ko ang cuidad nang VC. Bakit ba hindi ko siya na-appreciate noon? Bakit nakakatakot ang tingin ko noon sa vampire city? Kasi sa nakikita ko ngayon, kabaligtaran nang lahat.

May mall, may hotel, or bar. Name it, nandito na. Hindi mo nga iisipin na vampires den ‘to eh.

Nilagpasan lang namin ang tinatawag nilang downtown saka naman namin nadaanan ang isang palasyo. At luluwa talaga ang mata mo sa sobrang laki nito. Ang ganda at nakakaakit na pumasok.

Nag-stop si daddy sa isang malaking building. Bumaba kami ni mommy sa kotse at napaangat ang tingin ko sa gusali. Everything in this building shouts glamour.

“I have rented a condominium for you. Masyado kasing malaki ang dati nating bahay para sa’yo. Kaya dito ka muna titira.” Sabi ni dad. Hindi ako makaimik. Tinatago ko din ang ngiti sa aking labi dahil ayaw kong isipin ni daddy na nagustuhan ko ‘tong parusa niya. Baka mamaya niyan sa Alcatraz niya ako ipadala.

Nasa 39th floor ang condo ko at may anim na tenants per floor. Ok naman ‘tong titirhan ko. Mas ok pa nga sa bahay namin. May spacious living room at very elegant kitchen. It has one room only at may balkonahe pa siya at tanaw ko ang buong Vampire City.

This is not a punishment after all. Para nga siyang bakasyon eh.

“Nilagay ko na ang mga food stocks mo sa ref at sa cabinet. Complete na din ang toiletries mo.” Sabi sa akin ni mommy.

“You have one month, Seri. At kapag hindi ko nagustuhan ang mga pinag-gagagawa mo dito, madadagdagan ‘yon. 1 mistake, 1 month extension. Are we clear?” sabi ni daddy kaya napatango agad ako.

Kahit nga hindi na ako lumabas dito eh. May TV na. Besides, dala ko ang mga gadget ko. Hindi ako mabobored dito.

They left me and I felt nothing but freeness. Siguro tama din ‘to na nasa lugar ako kung saan walang nakakakilala sa akin. Pwede pa akong maging mabait na walang nag-iisip na isang ka-plastikan lang ang pinapakita ko.

I decided to take a quick shower. I was all naked when I saw myself in the mirror. Binigyan ako ni daddy nang isang kwintas para daw manatiling secreto ang pagiging tao ko. I didn’t question it. Ayaw ko naman atang maging meal of the day ‘no.

Alas nwebe pa lang nang gabi kaya manunuod muna ako nang TV. Usually lagi akong late matulog kasi lagi kong kausap ang boyfriend ko sa phone.

I was so hooked with what I’m watching nang may kumalabog sa pinto. Syempre nakaramdam ako nang kaba. Gusto ko tuloy pagsisihan na pumayag ako.

Lumapit ako sa pinto. But I will never dare to open it. No way!

Kumalabog nanaman. This time sumilip ako sa peephole nang pinto. There’s no one kaya mas lalo akong natakot. I wanted to run and hide inside my bedroom pero mas matatakot ako kapag hindi ko hinarap kung ano ang nangyayari sa labas nang condo ko.

I opened my door pero naka-lock pa din ‘yung kadena. Mahirap na at baka sanguinarian pala ‘to. of course I knew about them.

“S-sino ‘yan?!” pagalit kong tanong at tinatago ang kaba sa dibdib. Where is my phone when I need it most? I think I should call mommy at alam kong kaya nilang makapunta dito in just one snap.

“Uggghhh.” Ungol lang ang isinagot nito sa akin kaya mas lalo akong nagtaka—at natakot.

“I said who are you!” hindi ito sumagot.

“Tsk. Bahala ka!” sabi ko saka sinara ang pinto. Ayaw kong magtiwala dito at mahirap na.

Bumalik ako sa living room pero pinatay ko na ‘yung TV. Pumasok na lang ako sa kwarto at sinara ko din ‘yung glass door nang aking veranda. Baka kasi may bumisita sa akin o baka may nakatingin sa labas. My wild imagination is running wildly kaya ayaw kong mag-isip nang kung anu-ano.

Vampire City 3: Crimson LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon