Chapter 4 - Little White Lie

47.1K 1.1K 76
                                    

Chapter 4 – Little White Lie

Kumaripas ako sa takbo. Siya ‘yon! Siya ‘yung pinatuloy ko sa condo ko. Mukha ngang wala namang pakialam ang mga nasa paligid na tumakbo ako eh. Hanggang sa marating ko ang side walk.

“Ang sakit sa paa!” pagrereklamo ko. Bakit ba kasi ako tumakbo? Pwede naman akong pasimpleng umalis since hangin ako do’n. Pero natatakot kasi akong baka ibuking niya ako.

Tanaw ko na ang condominium. Makakauwi na ako at magpapahinga. Mas mabuti ata kung hindi na ako lalabas at magkulong na lang sa loob ng kwarto. Kesa naman makatagpo ako ng kung sino-sino.

“Hindi ka dapat mag-isang naglalakad dito alam mo ba ‘yon?” nagulat ako sa nagsalita sa tabi ko. Kailan pa ako nagkaro’n ng kasabay habang naglalakad? Tinignan ko ang nagsalita at bahagyang nagulat na makita ang vampire na pinatuloy ko sa condo ko.

“What do you want?!” inis kong sabi habang patuloy na naglalakad.

“Your blood.” Nakangisi niyang sabi. Alam kong nagsitayuan ang balahibo ko dahil sa sinabi niya. Napaka outspoken ng nilalang na ‘to.

“Low blood ako!” irap ko sakanya dahilan para matawa siya.

“Mas ok na ‘yon kesa naman sa high blood.” He said then he wiggles his eyebrow. Napahinto ako sa paglalakad at tinignan siya.

“Ano bang kailangan mo sa akin at sunod  ka ng sunod? Pati bakit mo ginawa ‘yong kanina?” nakapameywang kong harap sakanya. Hindi naman nawawala ang ngiti niya sa labi na nakakainis.

“Trip ko lang.” kibit niya.

“What?” I sigh. “Pwede ba, tigilan mo ako sa trip mo at hindi nakakatuwa. Bumalik ka na sa party mo kasi ako mas gusto kong mapag-isa.” Sabi ko saka dali-daling umalis.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Naligo lang ako saka nagbihis. Lumabas akong kwarto at dumeretso sa kusina para maghanda ng breakfast ko.

“You woke up early.” Napatalon ako sa nagsalita.

“Daddy?!” nakita ko si dad na nakaupo sa single couch at may hawak na magazine galing sa table ko. “Bakit po kayo nandito? Where’s mom?”

“She’s home. You’re not glad to see me?” tumayo siya kaya lumapit naman ako.

“N-no. I mean, nagulat lang po ako.” I kissed his cheeks.

“Mmm,” may nilabas na brown envelop si daddy at inabot ‘yon sa akin.

“Ano po ‘to?”

“Open it.”

Nagulat ako nang basahin ko ang laman. It's a court order.

“The child dies 24 hours ago. Your boyfriend is nowhere to be found at ikaw… kasama ka sa sinampahan ng kaso.” Sabi ni daddy. Nanginginig naman na binalik ko sakanya ang sulat.

Wala na ‘yong bata. Parang kinukurot ‘yung puso ko. Mas lalo lang atang nadagdagan ang guilt sa dibdib ko eh.

“H’wag kang mag-alala. Kaya kong hanapin ang gago mong boyfriend. Ang gusto kong gawin mo ngayon ay manatili lamang dito sa vampire city. Ligtas ka dito.” Sabi ni daddy. Naiyak na ako. Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni daddy ng mahigpit. “You say you’re not driving, right?” daddy asked. Tumango naman ako. “Ang kailangan lang nating patunayan sa korte ay ang ibedensya na ang boyfriend mo ang nagda-drive at hindi ikaw.” Tumango lang ako. Pero hindi alam nila daddy na may kasalanan din ako dahil ako ang pumigil sa manibela.

“For now, ma-eextend ang stay mo dito. Kaya gusto kong mag-aral ka sa Scarlett Moon Academy. H’wag ka ng mag-alala sa paglalakad ng papers mo, nagpatulong na ako sa Chancellor nila. Si Ms. Erina ang namamahala ng school at siya din ang nakakaalam ng totoo mong katauhan.” Sabi ni daddy.

Vampire City 3: Crimson LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon