Chapter 9 - Sinister Night

42.4K 1K 51
                                    

Chapter 9 – Sinister Night

“Ironic!” Shelby commented. Napairap lang ako. Of course I told her about sa date daw namin ni Haynes. Siya na ata ang pinakamakapal na vampirang nakilala ko. Aaway-awayin ako tapos aayain ako sa sinister day.

“Gusto ko na lang nga siyang iwasan eh. Pero siya naman ang lapit nang lapit. May alam ka ba para tuluyan na niya akong layuan? Feeling ko kasi enjoy na enjoy siyang nakikita akong naiinis. He’s so mean.” Umupo ako sa kama ko at hinayaan si Shelby na tumatalon-talon sa kama. Feeling niya trampoline ang kama ko eh.

“Eh di do the opposite. Kung inaasar ka niya tapos lumalaban ka, this time hayaan mo siya. Kunwari deadma ka. Para mas lalo siyang maasar. Ganyan ginagawa ko sakanya eh.” sabi niya.

“Ha? Kanino?” nagtataka kong tanong. Napahinto naman siya sa pagtatalon saka napangiti sa akin.

“No’ng pinsan ko. Hehehe”

“Eh paano pala mamaya? Halos lahat ata ng classmates natin eh alam na kami no’ng crowned prince. Baka mabuking ako. Ano kaya kung h’wag na akong pumunta—aray!” napahawak ako sa ulo ko nang hampasin ako ni Shelby gamit ang cusion pillow.

“Ako ang bahala sa problema mo. Ang gusto ko lang pumunta ka. Magtatampo ako kapag wala ka do’n!”

Napabuntong hininga na lang ako. Pilit kong inaalala kung paano ako napasok sa ganitong sitwasyon. Pero agad ko din namang narerealize na kasalanan ko din naman pala lahat.  Pinagbabayaran ko na lahat ng kalokohan ko. And I guess Haynes is my karma.

I pampered myself. Nagrelax ako habang nakikinig sa music. Hinayaan kong nakababad ang aking mga mata sa dalawang piraso ng pipino at nilagyan ko ang akig mukha ng aking favorite foam cream. Nakataas din ang aking paa sa tatlong unan na nakapatong sa kama.

Umalis na kasi si Shelby kasi daw maghahanda din siya.

Kahit alam nagpapahanda na rin ako sa aking sarili, nagdadalawang isip pa din ko kung tutuloy ako. Marami kasi akong kinatatakutan na pwedeng mangyari. Ayaw kong maging nega pero kinakabahan talaga ako. Pakiramdam ko nga nangyari na ‘to minsan eh. kasi I got this feeling na mapapahiya ako ngayon.

Tinanggal ko ang pipino sa akin mata. Mukhang hindi nman ako na-relax eh. Parang mas lalo lang ata akong na-stress kakaisip.

Idagdag mo pa si Haynes na walang ibang ginawa kundi sirain ang gabi ko.

“Hindi ako pupunta. Final decision!” sabi ko habang inaayos ang buhok—ugh! Ayaw kong naman talagang pumunta pero parang may humihila sa akin.

Napabuntong hininga ako bago ako nagmartsa sa closet para kunin ang gown na binili sa akin ni Shelby. The beige chiffon gown that was hanging on my closet with its pumps. Haay! Wala ata talaga akong choice kundi pumunta. As saying goes, bahala na si batman.

Pumunta ako sa tukador at sinimulang ayusin ang sarili. I curl my natural straight hair at nilagyan ko ng gold highlights ang buhok ko gamit ‘yung colored gel. Hinawi ko din ang konting bangs ko saka ko siya inipitan no’ng clip ko sa buhok. Labas ang isang tenga ko para kita ‘yung dangling earing ko.

Napangiti ako nang isuot ko ang gown. Ang ganda niya talaga. Simpleng accessories na lang ang nilagay ko para hindi ako magmukhang walking Christmas tree. Iniilalim ko din ang kwintas ko para walang makakita at isang silver bangle lang sinuot ko.

“Perfect,” nasabi ko sa sarili ko nang mapatingin ako sa life size mirror. “All I need is a couple of confidence and poise at gora na ako.” Nakangiti kong sabi sa sarili ko.

Vampire City 3: Crimson LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon