Chapter 21- Mixed Emotions

34.1K 931 78
                                    

Before you read, may gusto lang akong linawin. Hindi ako nang-aaway ng readers. But I talk back if I am being offended. Ginagawa ko ang lahat para makapag update lagi and I am so thankful to those readers na matyagang naghihintay. Really guys, salamat. Pero kung magdedemand kayo na mag-update ako at tapusin ko na ang story kasi nabibitin siya at gusto na agad tapusin basahin, well— matatarayan ko talaga kayo. Sorry do’n sa tinarayan ko. Nainis lang talaga ako sa pinost mo sa MB ko.

 

Chapter 21- Mixed Emotions

Seri’s POV

“Seri, ano bang nangyayari sa’yo?” hinahagod ni Ryder ang likod ko dahil panay ang iyak ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko nawala na siya sa akin at ayaw ko ‘yung maulit pa.

“S-sorry, Ryder.” Napasinok ako dahil sa sobrang paghagulhol ko sa pag-iyak. “E-emotional lang ako.” Sabi ko na lang. Hindi ko rin kasi maipaliwanag sakanya. Kasi pati ako hindi ko rin alam ang nararamdaman ko.

“Mmm, stress ka lang ata.” He tilt my chin saka niya ako pinatingin sakanya. “'Yung sinabi mo kaninang namimiss mo ako kahit kasama mo ako…” he trails off saka mas lumapit sa akin. “Gano’n din ang nararamdaman ko kapag kasama kita. I felt like you’ve been taking away from me for a very very long time.” Nagulat ako sa sinabi niya. That’s exactly what I feel. Weird.

“But I know something that will make you feel happy.” Sabi niya pero napakunot naman ako.

“Ano?” takang tanong ko.

“Tara,” inilahad niya kamay niya at inabot ko naman ‘yon. Napangiti siya sa akin saka niya ako inakay papuntang kotse habang magkahawak kamay.

Pinagbuksan niya ako ng pinto saka siya sumakay sa driver’s seat.

Habang nagda-drive si Ryder ay ni-on naman niya ang stereo saka nagpatugtug. Acoustic ang music kaya nakaka-relax. Sinandal ko ang ulo ko sa backrest saka ko pinikit ang mga mata ko. I missed this. ‘Yung normal life. Morning activities and such.

“Seri,”

“Mmm,” I respond kahit nakapikit pa.

“Ano kasi…” I opened my eyes at napatingin sakanya. Ano ang gusto niyang sabihin?

“Ano?”

“Kapag bumalik na si Kuya…” hindi na niya natuloy ang sasabihin niya kasi pati ako hindi ko rin alam kung ano ang mararamdaman nang banggitin niya si Hunter.

Napatingin ako sa gilid ko at sa daan lang ako nakatingin.

“H-hindi naman kami…” pero.

“I’ll do my best na maging mabuti sa’yo. That, if you’re willing to give me a chance. Hindi ako nangangako na hindi kita mapagtataasan ng boses. I’m not even making a promise that I won’t be mean to you because this is what I’m born of. Ang hinihiling ko lang na kapalit ay intindihin mo ako.”

“Hunter,”

“But, if you’re tired of me lalo na’t tatlong gabi mo na akong iniiwasan. Pwede kitang pakawalan. Hindi ako magagalit sa’yo at mamumuhay ka ng mas tahimik dahil sisiguraduhin kong hindi ka na nila pa mabu-bully.”

“Kapag nagbalik na si Hunter, saka kami aamin sa school na hindi talaga kami.” Sabi ko. I decided. I need to correct my mistakes. I am so proud kaya ito ang consequence ko. And I can’t do it without Hunter. Kailangan kasama ko siya kapag aamin kami. I will take all the blame para hindi siya mapasama bilang crowned prince.

Vampire City 3: Crimson LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon