Chapter 12 - Doze of her own Medicine

36.9K 987 40
                                    

Chapter 12 - Doze of her own Medicine

 

Pakiramdam ko ito na ang pinakamabilis kong tinakbo sa tanang buhay ko. Hindi ko alam kung paano nalaman ko ang palabas sa palasyo. Nararamdaman ko na din ang sakit sa talampakan ko dahil sa pag-apak ko sa cemented road.

Pero kahit mabilis akong umatakbo, feeling ko ang layo pa ng condo ko. Nanghihina na din ang mga legs ko at nahihilo nanaman ako.

Akala ko pawis ang pumatak sa pisngi ko ko. Kaya bumagal ako sa pagtakbo at napaangat nang tingin. Uulan na.

Lakad takbo na lang ang ginawa ko hanggang sa makarating sa condo ko. Agad akong nagbihis at kinuha ang phone ko. Gusto kong makaalis dito. Nahihiya akong natatakot na humarap kay... kay... Ugh! Even mentioning his name is hard. For all the wrong reason why didn't I suspect him as the crowned prince.

Bakit hindi ko naisip na ang Haynes ay Highness. Pero bakit hindi niya sinabi kay Ryder ang totoo? Magkapatid sila at hinayaan niya lang na gano'n ang paniniwala ng kapatid niya? Pati si Shelby. Alam kong alam niya pero hindi man lang niya ako kinorect. My little white lie bounce back to me-worstly!

I dialed my parents number pero wala ni isang sumasagot. I need them. I wanted to get away from here. Ilipat nila ako kahit saan h'wag lang dito.

Lumabas akong kwarto nang marinig kong may nagdoorbell. For all sake, h'wag naman sanang may kinalaman kay Hunter dahil hindi talaga ako lalabas. Kahit itali nila ako para harapin siya hindi ako titingin sakanya. I hate to see his smug look now that I was dozed by my own medicine.

Sinilip ko ang peephole and it was Ryder. Somehow naging magaan ang loob ko kaya agad ko siyang pinagbuksan.

Seryoso siyang nakatingin sa akin. He's not the Ryder I've known kaya nanibago ako. He was looking at me with pity habang sinusuri ang sugat ko sa mukha.

"Seri," he said tapos bigla akong niyakap. Natigilan ako. Parang lahat ng frustrations ko gusto kong ibuhos kay Ryder. Hinayaan kong maiyak sa bisig niya habang hinahagod niya likod ko. God his embrace was cold but comforting.

"Sorry. Hindi kita nailigtas. Sorry wala akong nagawa." Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya. Bakit kasi hindi na lang si Ryder ang nagligtas sa akin? Bakit kailangan si Hunter pa?

Parang nag-flashback sa akin ang pam-bubully sa akin nang mga vampirette na 'yon. Mas lalo kong naramdaman ang sama ng loob. Parang pinipiga ang puso ko dahil sa ginawa nila.

"A-ang sasama nila. G-gusto ko nang umuwi sa amin." Umiiyak kong sambit. Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa akin.

"Kasalanan ko kung bakit ka nila sinaktan. They thought you were flirting me while you're in a relationship with my brother." Pinakawalan niya ako at hinawakan niya pisngi ko. Pinahid niya ang nagkalat na luha sa pisngi ko. His touch was so familiar.

"N-no, Ryder." Sabi ko. Nagtatakang tinignan niya ako at parang nagtatanong ang mga tingin.

"What d'you mean, Seri?" he asked.

"I-I'm... I'm not in a relationship with your brother. Those were lies I told you. Inembento ko lang 'yon para... para galitin ang isang vampira na akala ko ay ordinaryong vampira lang. But it turns out, he's the crowned prince at nagmukha akong tanga kasi all along, alam niya at sinakyan niya pa ang kasinungalingan ko."

Nakatingin lang sa akin si Ryder na animo'y dina-digest ang sinabi ko.

"Imposible naman na hindi kayo, Seri. Sigurado ka ba? Kasi no'ng tinanong ko 'yon kay Kuya, he was so damn sure na parang ipinagmamalaki niya pa sa akin na ikaw ang girlfriend niya." Nagulat ako sa sinabi niya.

Vampire City 3: Crimson LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon