Chapter 16 - The Proxy

35.6K 981 32
                                    

Chapter 16 – The Proxy

 

Napasandal ako sa pintuan nang sarahan ko ‘to. Bakit ba lumalakas ang pintig nang puso ko kapag kasama ko si Hunter?

“Whos’ with you?” halos mapatalon ako sa boses na nagsalita. Agad kong kinapa ang switch and turned it on para makita kung sino ang mapangahas na pumasok sa condo ko.

“D-dad?” gulat na gulat kong sambit. Kasama ni daddy si mommy na parehong nakatingin lang sa akin.

“You’re panting. Have you been running?” sabi ni daddy. Lumapit lang ako sakanila saka ko sila niyakap isa-isa.

“I missed you, Mom, Dad.”

“Namiss ka rin namin, 'nak.” Sabi ni mommy.

“Bakit po kayo nandito?” umupo si mommy at tumabi ako sakanya samantalang si daddy ay umiikot-ikot lang sa buong condo at parang nagche-check nang puwedeng ipuna.

“We missed you. That’s why we’re here.” Sabi ni mommy. Hinaplos niya pisngi ko and I felt the nostalgia everytime mom caress my cheeks.

“Inurong na nang pamilya ang kaso sa inyo nang boyfriend mo.” Sabi ni daddy na ikinagulat ko.

“Ex-boyfriend, daddy.” I corrected him.

“Puwede ka ng bumalik sa atin, 'nak.” Masayang pahayag ni mommy.

“P-po? K-kukunin niyo na po ako?” gulat kong tanong. Hindi naman sa hindi ko namimiss ang dati kong buhay. Pero ayaw ko pang umalis, eh.

“Yes, Serenity. Babalik ka na sa atin. I will just visit an old friend then you can pack all your things.” Daddy said.

Nakaramdam ako bigla nang lungkot. Ayaw ko pang umalis. I want to stay. Kung kailan ngayon ko pa lang nae-enjoy ang vampire city saka ako aalis?

“D-daddy… kasi po… how about school? Naka-enrol pa po ako sa SMA.” Sabi ko hoping na ma-extend ang stay ko.

“I want you to continue your normal life, Serenity. Isn’t that what you want?” daddy said.

“Opo,” pero kasi. Haaay. “Mag-iimpake na po ako.” Malungkot kong sabi.

Tumungo ako papuntang kwarto saka ko 'to sinarhan. Bakit ngayon? Bakit kung kailan aalis din si Hunter? For sure magagalit siya kapag nalaman niyang umalis akong walang paalam. Haay. Bahala na nga.

Nilagay ko lahat ng damit ko maleta pati mga shoes ko. Pagbukas ko sa isang cabinet ay nakita ko ang gown na sinuot ko no’ng Sinister day.

“This dress belongs to Vampire City so iiwan ko 'to dito,” I said to my self.

Lumabas ako sandali at kinuha ang gamit sa CR. Nakita ko si mommy na nagbabasa lang ng magazine.

“Mom, where’s dad?” I asked.

“Nasa SMA siya anak. Bibisitahin si Tita Erina mo,” walang ganang sabi ni mommy.

“Talaga po? Tita Erina told me dad’s secret. Totoo po bang Tom ang dati niyang pangalan?” napatingin naman sa akin si mommy.

“Yes.”

“Wala po bang balak makipag-ayos di daddy sa dating Hari?” tanong ko. Tumabi ako sakanya at hinilig ko ulo ko sa braso niya.

“Sabi ng daddy mo, kahit daw hindi siya makipag-ayos sa sating hari, alam niyang okay na sila. After all, bestfriend sila. Besides, matatanda na sila. Nasa Italy na si Hansel, si Cris at Erina ay namumuno sa SMA. Wala na silang panahon para magkita-kita para lang sa simpleng apology.” Sabi ni mommy. Napanguso lang ako.

Vampire City 3: Crimson LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon