Chapter 39 - Shape Shifter

23.1K 748 97
                                    

Chapter 39 – Shape Shifter

A.N: Puro muna 'to POV ni Shelby. I just want to close her issue. Thank you.

Shelby's POV

ISANG malutong na sampal ang sumalubong sa akin nang makauwi ako sa Palasyo. Do I have to thank my life because I am a vampire kaya hindi ko ramdam ang sakit ng sampal ni Grandma Erina. Pero kung hindi siya masakt physically, kabaliktaran naman nito emotionally. Kahit kailan hindi niya pa ako sinaktan. Ngayon lang.

Hindi lang ako nakasaksi sa ginawa ni Grandma kundi pati si Daddy. Pati siya nagulat sa ginawa ni Grandma sa akin kaya agad niya akong nilapitan at inilayo kay Grandma.

"Why did you slap my daughter?!" galit na hasik ni Daddy kay Grandma—sa Nanay niya.

"Ang tigas ng ulo mo, Shelby!" nanggagalaiting sabi ni Grandma. Nasa bulwagan kami ng Palasyo pero kami lamang ang nasa loob. Alam kong any time papasok dito ang Hari at Reyna o kung sino mang naninilbihan dito sa Palasyo. "Ilang beses ko bang sinabi sa'yo na layuan mo ang lalaking 'yon?!" galit na galit siya at halos lumabas na ang mga pangil niya sa bibig.

Narinig ko ang pagbukas ng malakin pinto at nag-aalalang lumapit sa amin si Grandpa.

"Edric? Anong nangyayari rito?" napatingin siya sa amin at nagtataka.

"Ask your wife, Dad!" galit na sabi ni Daddy. Oh no! Ayaw kong nag-away si Daddy at Grandma dahil lang sa katigasan ng ulo ko.

Halos maiyak ako habang pinapanuod ko silang tatlo na magbangayan. Si Daddy at Grandpa ay obviously on my side kaya parang naawa naman ako kay Grandma. Pero hindi ko kasi talaga maintindihan kung bakit ayaw niya kay Connor. It's just doesn't make sence.

"Bakit mo ba 'to ginagawa sa apo mo, Erina? Noong tayo ang nag-iibigan, hindi tayo pinagbawalan ni King Vladimir at Queen Veruca kahit wala akong dugong bughaw. Hindi uso sa pamilya natin ang panghimasukan ang buhay pag-ibig ng ating mga anak, so leave Shelby and her boyfriend alone!" sabi ni Grandpa. Tiningnan siya ng matalim ni Grandma. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan. Magkahalong takot at galit ang nababasa ko sa aura niya. Pinipilit kong basahin ang isipan ni Grandma but she's blocking her mind. She's hiding something.

"You don't understand me, Cris! And you will never be!" biglang naluha si Grandma at parang dinurog ang puro.

Kahit alam kong galit siya sa akin ay nilapitan ko siya. Hindi ko kayang maging ganito kami dahil sa akin. Si Grandma Erina ang halos nagpalaki sa akin and it hurts me to see her like this.

Dahan-dahan kong hinawakan ang braso niya saka ko siya niyakap. Umiiyak ako at ganoon din siya.

"Grandma, mahal na mahal ko po kayo. If you will just tell me your reasons, I will obey you at lalayuan ko si Connor," bumitaw ako sakanya at hinarap ko siya. "Tell me good reason to leave him. At susundin kita without hesitations."

"Shelby," I heard Daddy said behind me. Pareho kaming tatlo na naghihintay sa sasabihin ni Grandma. Napatingin siya kay Grandpa at kay Daddy.

A tear escaped her eyes.

"Sasabihin ko ang totoo, even if that means my son will hate me." napatingin si Grandma kay Daddy at pareho kaming naguluhan.

"Ano bang ibig mong sabihin, Erina?" nag-aalalang sabi ni Grandpa.

Nagpunas ng luha si Grandma saka deretsong tumingin sa akin.

"H-hindi kayo puwede ni Connor because he is your brother. Connor is your twin brother,"

Parang may bombang sumabog sa harap ko dahil sa sinabi ni Grandma. Pakiramdam ko nabingi at mas pipiliin ko pa ngang mabingi kesa marinig ang sinabi niya.

Vampire City 3: Crimson LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon