Chapter 14 - Cheater

39.2K 992 35
                                    

Chapter 14 – Cheater

“Seri, are you mad at me?” tanong sa akin ni Shelby pagpasok ko sa room namin.

Umiling ako. “Hindi.”

“Sorry kung hindi ko sinabi sa’yo.” She was referring about Hunter.

“Ayos lang. Pero mas ma-appreciate ko sana kung sinabi mo agad para nabangasan ko ang mukha no’n.”

“Hahaha. Galit ka pa din sakanya?”

“Mainit talaga ang dugo ko sakanya eh. Tapos tototohanin namin ‘yung kasinungalingan ko? Ang lakas ng trip niya, ah.”

“Hindi naman kita masisisi. Pati nga ako naiinis din dyan minsan eh.”

After ng 2 subjects namin ay P.E na kaya agad akong pina-excuse ni Shelby para daw hindi ako ulit tanungin kung ano ang power ko.

Pumunta naman ako botanical na malapit lang sa gymnasium kung saan ang P.E class. Napansin kong exotic ang mga halaman kaya hindi ko maiwasan ang hindi titigan sila isa-isa.

Pero may isang halaman na napukaw talaga ang attensyon ko. Makapal ang dahon niya at may dagtang lumalabas sa bawat tinik ng stem niya. Biglang naging pula ang kulay ng dagta at para itong naging dugo.

Hahawakan ko sana siya nang may kumuha sa kamay ko kaya napatingin ako kung sino ‘yon.

“R-ryder?” seryoso siyang nakatingin sa akin.

“Ano sa tingin mo ang gagawin mo? Gusto mo bang maparalisado ng isang araw?” sabi niya na ikinagulat ko.

“Lason ‘yan?”

“Yes. And very lethal. Kaya ‘wag mong hahawakan ang dagta niya.” Napatango lang ako saka nilibot ang botanical garden. Sumunod naman siya sa akin at parang binabantayan ang bawat halaman na titignan ko.

“Bakit ka nga pala nandito?” tanong ko sakanya. May isang pot ng black rose at kita kong unti-unting nalalagas ang bulaklak nito.

“Nakita kitang pumasok dito eh. Alam kong wala kang alam tungkol sa mga halaman na nandito kaya agad kitang pinuntahan.” Kibit niya tapos ngumiti. Tinignan naman niya mukha ko. “Wala na ang mga sugat mo.” Puna niya.

“Ginamot ako ng pinsan niyong si Wynnet.” Sabi ko sakanya saka siya napatango-tango.

“Oo nga pala. Ok na ba kayo ni Kuya?” natigilan naman ako sa tanong niya.

“A-ano…kasi,” I sigh. “O-ok na ulit kami.” Pagsisinungaling ko. Gusto kong sabihin sakanya ang totoo pero ayaw ko naman sirain ang usapan namin ni Hunter.

“Good to know.” Tumalikod siya tapos nilagay ang dalawang kamay sa bulsa. Napangiti ako. Ang cool niya tignan. Siguro kung kapareho lang ni Ryder ng ugali si Hunter, baka nakasundo ko rin siya. Hindi ko nga alam kung bakit para siyang laging may PMS samantalagang itong si Ryder ay laging good mood. Pinaglihi ata siya sa sama ng loob eh.

“Seri, may Carnival sa Plaza. Gusto mong pumunta?” yaya ni Ryder na agad ko namang tinanguan.

“Sige-sige.” Tuwang-tuwa kong sagot. Ang ngiti ni Ryder ay biglang naglaho at parang may naalala.

“H-hindi pala pwede.” Nakayuko niyang sabi.

“Ha? Bakit naman?”

“The last na may nakakita sa atin na magkasama ay na-bully ka. Ayaw kong mangyari ulit ‘yon sa’yo.” Seryoso niyang sabi. Nakaramdam naman ako ng lungkot. Mas gusto kong kasama si Ryder at alam kong mag-eenjoy ako! Kaya bakit hindi kami pwedeng makitang magkasama? Dahil alam ng lahat na kami ni Hunter? Kainis!

Vampire City 3: Crimson LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon