Chapter 32

3.8K 278 141
                                    

'The Alpha Language'


"Mm-hm, then you can divide all the parts and add upgrade all the code numbers to tier two to make the codes right." Audin was busy teaching Atlas how to do the coding at napangiwi nalang si Atlas tsaka tumayo at bigla nalang umalis.


"'San ka pupunta?"
tanong ni Audin sa kanya.


"Palayo sa 'yo. I'm a wolf for a reason. I hate math,"
aniya at naglakad palapit sa kitchen island at binuksan ang ref. Mahina namang tumango si Xy. "Tito Wolfie hates math too." Mahinang sabi nito.


Lucas was making his specs float in the air out of boredom at nag-inat narin siya. All of them were bored because there was nothing to do. Team Alpha also prevented them from training at sinabing kailangang magpahinga ng katawan nila.

They're also waiting for Shinshi's heat to go away kaya hindi pa sila makakaalis. Umayos naman agad sila ng upo nung marinig nila ang boses nina Xin at parang papunta ang Team Alpha sa sala.

"Tuloy na ba?" tanong ni Duke habang nakikinig lang ang Midnight Angels sa kanila. Xy's eyebrows perked up as he looked at his family. "Wait, itutuloy niyo?" tanong niya sa mga 'to kaya mas lalong naguluhan sina Blu.

Tumango naman sina Vernon at ngumiti.


"Ilang araw ba 'yan?"
tanong ni Xy. Reed and the others were confused pati si Audin dahil may seal naman ang isip ng Team Alpha at hindi siya nababasa ang mga iniisip nito.


"Almost a week? Depende narin sa sitwasyon,"
sagot ni Seth habang nakapamulsa.


"Saan?"
tanong ulit ni Xy habang nakaupong de-kwatro sa sofa.


"Milo bought an island for us. Privacy."
Pasimpleng sagot ni Jayden at bigla nalang ginulo ang buhok ni Archer na nananahimik lang dun sa gilid. Archer whined and fixed his hair which made Jayden chuckle.


"Kailan?"
Kanina pa tanong nang tanong si Xy ng mga bagay na hindi naman alam ng Midnight Angels. It's like they never know about anything hanggang sa mahinang natawa si Lucas dahil may binulong si Blu sa kanya bago ito bumalik sa pagtulog.

Apparently, Blu figured out something at sinabi niya ito kay Lucas na siya ring pareho ang iniisip.


"Wait, are you guys talking about a vacation?"
Hindi makapaniwalang tanong ni Lucas sa kanila habang nakapikit na si Blu. Tumingin naman kaagad sa kanila ang Team Alpha at hindi alam nina Lucas kung bakit bigla silang dinumog ng Team Alpha habang tumatawa ang mga 'to.


"He already knows the alpha language. Good job!"
Natatawang sabi ni Walter kaya naguguluhang tumingin si Lucas sa kanya.


"Let me guess too, you're planning the vacation after the blue night?"
tanong ni Audin. Tumango naman sina Joshua. Hindi man lang nagulat si Audin at tumango-tango pa tsaka bumalik sa pagcocoding. Milo went near him to help him solve something.


"Makakasama po ba si Zia?"
tanong ni Atlas.


"It depends if she's still alive after the Blue Night."
Pasimpleng sagot ni Wolfie. Wala nang ibang sumagot pa at tumingin lang si Xy sa mga magulang niya. One look at the two, especially the way that Xin smiled, Xy let out a smirk.


"This is interesting."
Mahinang sabi ni Xy. He pushed his hair back and slumped on the sofa, grinning.


"Imagine if I was still Team Alpha's enemy. I'd be dead by now."
Mahinang sabi ni Reed nung malaman na niya ang rason kung bakit nagpaplano na ang mga 'to ng bakasyon kahit may laban pa silang haharapin.

Lady MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon