Chapter 40

1.8K 112 29
                                    

[tw: mentions rape and self-harm. read at your own risks]

--

'Wonderland'

Bloody, drained, and exhausted. Napahiga nalang sina Archer na lupa habang hawak-hawak ang light ball na nakuha nila. Nakasunod naman ang ibang myembro ng Team Alpha at tiningnan ang Midnight Angels na hinihingal.

Blu and Reed were the only ones who were calm after the chase, pati narin si Xy. Tiningnan ni Reed ang lightball na hawak niya. "Does doing this actually save Zia?" tanong niya kaya tiningnan siya ni Xy. Wala itong sinabi at sabay silang tumingin kay Blu na titig na titig sa lightball.


"It won't."
Mahinang sabi ni Blu at naglaho na ang lightball sa kamay niya. Tumingin naman sila kina Lucas na naghahabol ng hininga.


"Kung sana tinanggal mo 'yan, edi sana hindi ka na nahirapan,"
sabi ni Dino at pinitik ang silver-cross earrings ni Lucas. Lucas just moved away and breathed out tsaka tiningnan ang light ball na nasa kamay niya.


"This is stupid,"
aniya at umupo sa isang natumbang kahoy.


"Alam naman nating hindi na ito mangyayari. The Creator will never give her another life knowing the things she can do."
May halong inis na sabi ni Lucas.

"If you think it's stupid, bakit mo parin hinabol 'yung light ball?" tanong ni Ash sa kanya dahilan para sandali itong matigilan. "Kasi umaasa ka rin namang mangyayari ito." Mahinang sabi ni Atlas kaya binitawan nalang ni Lucas ang light ball at tiningnan si Blu na nakatitig sa light ball na hawak nito.


"Whatever. I'm taking a bath,"
aniya at umalis na.

"Nasan po pala si Ate Shinshi? Ba't hindi po siya sumunod?" tanong ni Audin habang pinaglalaruan ang light ball na nahuli niya. Nagkatinginan naman sina Wolfie at Seth. "Bumalik sa cabin." Tipid na sagot ni Seth. Dahan-dahan namang lumapit si Wolfie kay Atlas at tiningnan ito.


"Puntahan mo siya sa cabin niya."
Agad na nag-iwas ng tingin si Atlas at nagtiim-bagang.


"No."
Tipid na sabi nito kaya naningkit ang mga mata ni Wolfie.

"Mamamatay kayong dalawa kapag pinagpatuloy niyo 'tong paglayo niyo. Alam mong kahit ano pa ang gawin niyo, nangyari na ang nangyari. Either you both suck it up or just die." Mariing sabi nito dahilan para tumingin muli si Atlas sa kanya.


"Then I'd rather die."
Diretsong sabi nito at umalis na.


Audin breathed out and looked at everyone. "Ahh, this is not fun anymore." Aniya at tumingala. Tumingin naman si Reed sa kanya at pinitik ang noo niya. "Things aren't always fun, DinDin." Audin pursed his lips at tsaka na naglakad pabalik sa mga cabin nila. They had breakfast after chasing light balls at wala parin si Shinshi sa grupo nila.

Ilang minuto lang ay dumating si Atlas at sumalo sa kanila sa pagkain. Habang kumakain ay napansin nina Archer na naglalagay ng pagkain si Xy sa isang food container tsaka ito nilagay sa bag niya.


"Uy, ano 'yan? Nangungupit ka ng pagkain?"
Binatukan kaagad ni Xy si Archer at tumayo na.


"Dolly likes potato salad,"
aniya at nagpaalam na pupuntahan na muna si Dolly. Nagkibit-balikat nalang silang lahat at nagpatuloy na sa pagkain. Reed had to gently swat Audin's right hand away dahil nakapangalumbaba ito sa harap ng pagkain.


"Why do you look so problematic these days?"
tanong niya rito.


"Uh, duh? Kasi ang dami nating problema?"
Audin asked, mixed with sarcasm. Hindi naman kaagad nakaimik si Reed dahil may punto naman 'yung sinabi ni Audin. Nanahimik naman sila ulit hanggang sa umiral na naman ang pagiging chismoso ni Archer.

Lady MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon