Chapter 17

4.5K 321 291
                                    

'The Frozen Heart and The Crimson Child'


"You two, come on. Breakfast." Sabay na tumingin sina Xy kay Xin na nandun sa may pinto ay may suot pang apron. Agad na tumayo si Xy at tiningnan si Zia na dahan-dahang kumilos tsaka tahimik na sumunod sa kanya pababa ng hagdanan.

Pagbaba nila ay nakita nilang nandun na si Jun sa mesa pati si Hoshi na kumakain ng hotdog habang nasa kusina naman si Dolly, kumukuha ng mga kutsara.


"Good morning~"
Nakangiting bati ni Hoshi kay Zia. Tumingin narin si Dolly sa kanila at ngumiti. Agad na tumayo si Jun at pinaghila ng upuan ang mag-ina niya habang tinutulungan naman ni Xy si Dolly dun sa mga kinukuha niya.

When they were all seated on the table. Zia just looked at everyone.


It was an ordinary breakfast. Just them and the food in front of them. Agad na nakuha ng pansin ni Zia ang isang mini bowl ng miso soup na nilapag ni Xin sa harap niya. She looked at the miso soup and then at her Mom who just smiled at her.


"I made it extra special."
Malambing na sabi nito.


It's been a long time since she had one of this. Four long years. Dahan-dahang tinanggap ni Zia ang kutsara na inabot ni Dolly sa kanya tsaka niya tinikman ang miso soup. She tasted it. She savored it. She loved it. She misses it.

Nilagyan ni Hoshi ng hotdog ang pinggan niya at nilagyan narin ni Xy ng kanin ang pinggan niya. Jun also placed the cup of hot choco near Zia's plate.


After a long time, she finally had a home-cooked meal right in front of her. Her bottom lip started shaking as she looked at the food and the thought of who made it for her.

Without saying anything, she dug in. Seeing her eat joyfully, all they could do is smile.


✥✥

Kasalukuyang nakatingin si Zia sa mga bagong photo album sa bahay nila. Tiningnan niya ang family portrait na sina Xin, Jun at Xy lang ang naroroon. Dahil dito ay kumunot ang noo niya.


"Dad?"
Agad na tumingin si Jun sa anak niya at nilapitan kaagad ito. Xy and Dolly who were doing to dishes glanced at them at parang gusto pang makinig ni Xy sa usapan nila. "Yes, baby?" Tanong ni Jun.


"If I erased my existence in this realm, I would understand kung bakit nawala ang mukha ko sa mga larawan but my existence wasn't erased dahil naaalala niyo po ako kaya dapat hindi nawala ang mukha ko sa mga larawan."
Sandaling natigilan si Jun dahil sa tanong ng anak.


"Since Time was the one who removed your existence in the realm, not knowing that we actually remember you, she removed your name and photos on everything that's in this realm. Matthew explained this to us."
Pagpapaliwanag ni Jun.


"Speaking about that.."
Singit ni Xin sa usapan nila habang nagpupunas siya sa kamay niya. Jun immediately felt a chill run down his spine after hearing the tone of his wife's voice. Dahan-dahan silang tumingin kay Xin na nakatingin lang sa labas at naniningkit ang mga mata na para bang may iniisip siya.

Jun knew that something was going to happen.


"Call the team. Meet me at the forest."
Pasimpleng sabi ni Xin at lumabas na kaya tumingin nalang sina Xy kay Jun na sandaling lumunok.

Inangat naman ni Hoshi ang tingin niya mula sa pangangalkal dun sa laman ng ref tsaka tiningnan si Jun.


"Oh, tawagin mo na sila at papagalitan na tayo ni Xinny."
Nakangiti pang sabi ni Hoshi kaya tumayo nalang si Jun at ginulo pa ang buhok ni Zia bago siya umalis. Nagpaalam narin si Hoshi sa kanila kaya naiwan silang tatlo sa bahay.

Lady MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon