Chapter 3

4.6K 302 174
                                    

'Simon Says'


"Sinong bagong alpha dun?" Bungad ni Wolfie sa Midnight Angels na kararating lang sa Alpha Village matapos ang misyon nila. "Lalake parin. We were expecting it to be the female alpha," sagot ni Xy at umupo sa sofa.


"Ano pang nangyari?"
Tanong ni Seth habang karga-karga si baby Simon na gustong bumaba at maglakad. Nagkatinginan naman sina Xy at ang team niya tsaka tumingin kay Shinshi. Bumuntong-hininga nalang si Ash at pinaliwanag ang mga nangyari pati na ang pagdating ng puting lobo.

Kumunot naman ang noo ng Team Alpha at tiningnan si Xin.


"Pumunta ka dun?"
Kunot-noong tanong ni Wolfie sa kanya.


"I was at South. May pinagawa sa akin si Storm,"
sagot niya kaya mas lalong kumunot ang noo ng iba.


"Xin is the only great white wolf in the realm,"
sabi ni Wolfie pero agad na tinuro nina Archer si Shinshi na isa ring puting lobo. "Yeah, but she has silver locks, not pure white fur," sabi ulit ni Wolfie.


"Bakit po, Tito? Sa dinami-dami ng wolf, it's impossible that Tita Xin is the only white wolf in the realm,"
sabi ni Wilder at bumuntong-hininga naman si Wolfie.


"Yes, there are ordinary white wolves. Kakasabi ko lang, great white wolf. The big one, like our size,"
aniya at tinuro sina Xin at Shinshi. Agad namang ngumiwi si Hoshi dahil sa sinabi niya at tinaas-baba pa ang tingin niya kay Wolfie.


"Maliit ka naman a—"
Tumama kaagad ang tsinelas ni Wolfie kay Hoshi dahil sa sinabi nito at sinapo nalang ni Matthew ang mukha niya at pinigilan si Hoshi na ibabato na sana ang isang buong mesa kay Wolfie dahil natapon ang biscuit niya nung binato siya ni Wolfie.


"Anyway, back to the white wolf, you said it had blue eyes kaya parang si Xin talaga 'yun. Big wolves have different features kaya nasabi ko kaagad na baka si Xin 'yun dahil tugma sa kanya ang sinasabi niyo."
Pagpapaliwanag ni Wolfie kina Xy.


"Pero sabi nga ni Tita, wala siya run,"
sabi ni Ash kaya tiningnan naman siya ni Xy, judging him by calling his Mom 'Tita' kaya mahina nalang siyang hinampas ni Ash ng unan para ibalik ang tingin kina Wolfie.


"Maybe it was a deity,"
sabi ni Matthew dahilan para tumingin sa kanya ang lahat.


"Deity?"
Tanong ni Audin at tinanong pa si Reed kung anong ibig-sabihin nun. "Like Time or creatures that are above us. Like the gods or something." Pagpapaliwanag niya kay Audin dahil tanggap na ni Reed na ginawa na siyang walking dictionary ni Audin.


"Deities usually take forms from creatures in this realm and maybe it based it on the situation that you were being attacked by wolves, so it disguised itself into a wolf too at baka nasakto lang na anyo ni Xin ang nagaya nito,"
sabi ni Matthew. What he said made sense pero nagtataka parin sina Lucas kung bakit sa dinami-dami ng lobo, si Xin pa ang ginaya niya.


"Kids, you always forget. My baby sister is the savior of the realm kaya malamang siya ang gagayahin ng mga 'to,"
sabi ni Walter at inakbayan pa si Xin na nakatingin lang kina Xy. "Ahh, savior of the realm. E ikaw? Anong tawag sa 'yo?" Tanong ni Baxter at tiningnan si Walter.


"Traitor of the realm,"
sagot ni Matthew kaya hinabol kaagad siya ni Walter ng kutsilyo.


"If that wolf was really a deity in disguise, you should consider yourself lucky. They don't usually help anyone,"
sabi ni Milo na kararating lang at narinig ang pinag-usapan nila.

Lady MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon