Chapter 5

5K 334 308
                                    

'Her Name'


Tiningnan muna ni Dolly ang fruit basket na nasa shotgun seat bago siya lumabas ng kotse at binuksan ang kabilang pinto kaya kunin ang basket tsaka na naglakad papasok sa hospital. Dumiretso siya sa front desk at nagtanong.

The nurse gave her the room number tsaka na siya pumasok sa elevator pero nung sasara na sana ang pinto ay may paa na humarang dito.


"Oops, muntik na,"
sabi nung lalake na pumasok habang may hila-hilang stroller ng bata. Dolly immediately smiled upon the sight of the baby boy sucking on his teether.


"Wait, Dolly?"
Agad na tumingin si Dolly dun sa lalake nung tinawag nito ang pangalan nito. "Uhh, have we met?" Nakangiting tanong ni Dolly rito.


"It's me, Axel. Nakalimutan mo na ba ako?"
Natatawang tanong nung lalake sa kanya.


"Your boyfriend punched me in the face once back then,"
sabi nito at dun na naalala ni Dolly si Axel. They used to go to the same school at mahilig si Axel manggulo kay Dolly noon kaya palagi itong pinag-iinitan ni Xy.

Hindi niya kasi kaagad ito nakilala dahil malaki-laki rin ang pinagbago nito.


"Kamusta ka na pala? It's been a while."
Nakangiting sabi nung lalake.

"Okay naman. Ikaw ba?" Tanong ni Dolly at umatras nung bumakas ang pinto ng elevator at may dalawang matatandang babae na pumasok. "Great. Meet my baby boy," aniya at tinuro ang bata sa stroller.

Agad itong binati ni Dolly at ngumiti naman 'yung bata.


"Kayo parin ba ni Xy?"
Tanong nito at tumango lang si Dolly bilang sagot.


"Woah, kung ganun, ang tagal niyo na pala. Any plans on getting married?"
Nakangiting tanong nito na mahinang nagpatawa kay Dolly. "Not yet. Masyado pa kaming busy. Hindi pa namin naisipan," sagot nito at dun naman tumingin ang dalawang matandang babae sa kanya.


"Hay naku, ija. Mas mabuting mag-asawa ng maaga para makarami ng anak at nang may mag-alaga sa inyo pagtanda niyo. Tingnan mo 'tong kaibigan ko. Tumandang dalaga kaya ako na ang sumasama sa check-up niya."
Agad na natawa sina Dolly at Axel dahil sa sinabi nito.


"'Wag mo ngang pakialaman ang desisyon nila sa buhay. Ang mga bata ngayon, dapat magpakasal kapag handa na,"
sabi naman nung kasama nito. Napangiti nalang si Dolly at tiningnan ang singsing na binigay ni Xy sa kanya.

The promise ring.

"Oh, it's my floor. I have to go. Ingat ka!" Nakangiting paalam ni Axel at kumaway lang si Dolly. When she arrived at her floor, dumiretso siya sa kwarto ng Tita niya at nilapag ang fruit basket sa mesa at tiningnan ang Tita niya na natutulog pa.

Umupo muna si Dolly sa sofa at huminga ng malalim. She wanted to relax nang bigla nalang siyang napahawak sa ulo niya dahil parang nahihilo siya.


"Ate Dolly~"
"Kuya, Ate Dolly is so pretty!"
"Ate Dolly, come live with us!"


Panay ang pagpatak ng pawis niya habang lumalakas ang kabog ng dibdib niya dahil sa mga pumapasok sa isip niya. Nanginginig ang kanyang labi at kamay habang hawak-hawak niya ang ulo. Her pupils were shaking as her whole body trembled.


"Z.. Zia.."
Agad na kinuha ni Dolly ang cellphone niya at hinanap ang number ni Xy.


Hindi niya alam ang ginagawa niya at hindi niya rin alam kung bakit nanginig siya. Hindi niya alam kung nanginginig ba siya dahil sa nerbyos o dahil sa takot. Hindi niya rin alam kung anong nangyayari sa kanya.

Lady MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon