Chapter 25

4K 276 230
                                    

'The First Snow'


As the first snow dropped on the ground, agad na napatingin si Xy kay Dolly tsaka sila sabay na tumingin sa labas. They saw the fall of the first snow followed by one, then two and soon, it started to snow. It's already winter.


"Diba sabi ni Zia dapat nakabalik ka na sa human realm?"
tanong ni Wilder kay Dolly na agad na tumingin kina Xin. "Ma, ano pong gagawin ko?" May halong takot na tanong ni Dolly kaya lumapit agad si Xy sa kanya at hinawakan ang magkabilang baikat niya tsaka nila tiningnan si Xin.


"Stay here. 'Wag mo siyang iwan, Xy."
Utos ni Xin at tumingin sa labas at halatang malalim ang iniisip. Tumayo na sina Simon at Saddie tsaka lumapit sa glass wall at tumingin sa mga snow na nagbabagsakan sa lupa habang nakaupo lang si Heath sa sofa at kanina pa ito tahimik.


"Ma, okay lang ba si Heath?"
tanong ni Wilder at tiningnan ang kapatid na sinamaan lang siya ng tingin.


"Oh, anong ginawa ko sa 'yo?"
tanong ni Wilder sa kapatid.


"Ate Zizi!"
Heath demanded at tinapon ang laruan niya sa sahig. "I want Ate Zizi!" Aniya habang masama parin ang tingin sa Kuya niya.


"I don't have her!"
Sigaw pabalik ni Wilder at pinulot ang laruan ni Heath at binigay ito sa kanya pero sinunog niya lang ito tsaka sumigaw. Nung sumigaw siya ay nasunog ang sofa na kinauupuan niya kaya agad na tumingin sina Simon sa kanya.


"Ate Zizi! Now!"
Sigaw ni Heath kaya nilapitan kaagad siya ng ama. Walter took the burn of Heath's heat and cradled him in his arms. Lumapit narin si Matthew sa bata at pinakalma ito.


Sinapo nalang ni Lucas ang mukha niya dahil sa mga ingay sa paligid. Nakasandal parin siya sa kitchen counter at tumingala nalang sa kisame dahil parang hindi niya alam kung anong una niyang gagawin. The village and everyone were a mess.

In Lucas' thought, Blu might've not survived. He was worried.


"Hindi pa nakakabalik sina Zia. Nawawala pa si Ash. It's fucking snowing already which means the Blue Night is approaching. Heath won't stop looking for Zia. Archer might die at baka magkulang pa sa dugo si Atlas and now they're telling me to relax. I just want to die."
Reklamo ni Lucas at nagbukas ng ref tsaka kumuha ng beer.

Saktong kakababa lang ni Jun ay kinuha niya kaagad ang beer mula sa kamay ni Lucas at pinalitan nalang ito ng isang baso ng orange juice.


"Drink that and then get some sleep,"
sabi niya rito kaya mas lalong naguluhan si Lucas.


"How am I even supposed to sleep?"
tanong niya.


"You're frustrated. Just sleep. Wake up when you feel like saving the realm again."
Nakangiting sabi ni Jun kaya sandali pang kumunot ang noo ni Lucas dahil parang nalaman nga ni Jun na hindi pa kaya ni Lucas ang kumilos.


"Kung ayaw mo namang matulog, then just drink the juice and sit down."
Wala nang nagawa si Lucas kundi ang umupo nalang sa stool dun sa kitchen counter at sinapo ang mukha niya.


"Talaga bang walang mangyayari sa kanya? You know what Zia said. Delikado kapag nanatili si Dolly dito sa realm lalo na't papalapit na ang Blue Night."
Mahinahong sabi ni Keya kina Walter na tiningnan lang si Dolly na katabi si Xy.


"Ano nang magagawa natin? It's already snowing. She was supposed to leave before the fall of the first snow. Mas delikado kapag pinabalik na natin siya sa kanila. She'll stay with us."
Kalmadong sagot ni Xin.

Lady MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon