Chapter 24

4.3K 275 385
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


'The Ring of Fire'


Blu is dead. Archer is in critical condition. Atlas was also bleeding to death and Ash is still missing. It was a mess. Tiningnan lang ni Zia sina Walter na lalapit sana sa katawan ni Blu pero agad siyang dumating sa harap nila at parang binabakuran pa ang katawan into.


"Zia, maybe we can still save him. L-Let's take him home."
Hindi mapigilan ni Duke na hindi mautal nung makita niya ang katawan ni Blu. Sinubukan nila ulit na kunin ang katawan ni Blu pero agad na pinalibutan ng apoy sina Zia at Blu.

Blue fire.


Saktong nahila pa ni Jayden ang katawan ni Archer kundi ay pati ito ay kinain na yata ng apoy.


"Don't touch him,"
she warned them.


She held his body close to hers and she held it tight.


"Get away from us."
Mahina lang ang boses niya pero simpleng pagsabi niya nun ay yumanig na ang barko.


Agad na lumabas ang mga pakpak niya. This time, it was pure black. May bagay siyang tinapon sa Kuya niya at mabuti nalang ay nasalo pa ito ni Xy bago siya tuluyang bumagsak sa sahig. Kinarga na ni Zia ang katawan ni Blu bago siya lumipad palayo.

The team had no time to wonder where Zia was taking Blu's body dahil kapag hindi sila kumilos ay mawawalan pa sila ng dalawang myembro ng Midnight Angels.


Agad na kinarga nina Seth ang katawan ni Archer habang sina Wolfie at Walter naman ang kumarga sa katawan ni Atlas. Audin collapsed due to using his abilities to its limit kaya si Reed na ang bumuhat ng katawan niya at pumasok na sa portal.

Pag-uwi nila sa alpha village ay agad na pinasok sina Archer sa lab. Reed carried Audin to another room at agad na may tinawagan dahil alam niyang mas kailangan nina Archer at Atlas ang tulong ng Team Alpha.


Minutes later, Uno at Nine arrived along with Twelve.


Si Nine na ang umasikaso kay Audin habang nagkakagulo na dun sa lab nina Archer at Atlas. No one even had time to talk about what really happened hanggang sa bigla nalang umiyak si Saddie at tiningnan si Xy na nakaupo sa sofa habang ginagamot ni Dolly ang mga sugat niya.


"D-Did you really kill the vampire?"
Mangiyak-ngiyak niyang tanong rito dahilan para kumunot ang noo ni Xy. Nagtataka pa siya kung paano nalaman ni Saddie ang tungkol kay Blu kahit wala namang nagsalita tungkol rito.


"You said.. y-you said 'You're dead, Van Saint'. Sinabi mo po 'yun."
Umiiyak na si Saddie at hinampas-hampas pa ang tuhod ni Xy. Naalala kaagad ni Xy ang sinabi niya nung umaga matapos nilang maalala si Zia at kakausapin nilang lahat si Blu dahil pumunta ito sa kwarto ni Zia nung gabing 'yun.

He remembered his words back then.


'Huh, you're dead, Van Saint'


Sinapo nalang ni Xy ang noo niya at agad namang dumating si Addie tsaka niya kinarga si Saddie na umiiyak na.

Lady MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon