Chapter 10

4.6K 304 233
                                    

'Dumakulem'


"Ayoko na. Shin, I'm cheating on you. Sorry, baby." Hinampas lang ni Shinshi si Wilder na nakayakap sa braso niya. Tulala silang lahat habang nasa cafeteria sila. Tiningnan nalang ni Lucas ang kamay ni Blu na nakabalot na ng gauze pad.

Maayos na maayos pa ang pagkakabalot nito at halatang marunong si Muirgen sa trabaho niya.


"Ang ganda niya kasi, bro. Like, sobrang ganda. Alam mo 'yung mukha niyang hindi nakakasawang tingnan? Ayoko na ngang umalis dun sa clinic,"
sabi ni Wilder at tumango-tango naman si Shinshi at sinabi pang ang cute ni Muirgen.


"Mga baliw,"
sabi ni Lucas kina Wilder at Shinshi.


"Totoo naman kasi. Don't tell me you weren't struck by her beauty earlier? Tulala rin naman kayo kanina ah,"
sabi ni Shinshi at tiningnan si Audin na sumisipsip ng banana milk at tumango-tango pa.

"Tumutulo nga 'yung laway nito," ani Audin at tinuro pa si Lucas na hinampas lang siya ng libro kaya sinamaan kaagad siya ng tingin ni Reed. "Guilty ka siguro 'no?" Tanong ni Reed kay Lucas na nag-iwas lang ng tingin at umirap pa.


"Hoy, ba't niyo pa pinag-aawayan 'yan? Kay Blu na 'yun. Wala na kayong pag-asa. Mata na niya 'yung nagsabi,"
sabi ni Ash sa kanilang lahat.


"Ay wow, nagsasalita pala 'yung mata?"
Tanong ni Audin kaya pinalo na naman siya ng straw ni Ash sa ulo.


"Hey! Stop hitting his head. Kapag naging bobo 'to, I'll burn you."
Inis na sabi ni Reed sa kanila at hinila pa si Audin para umupo sa tabi niya.


"Pre, matagal nang bobo 'yan,"
sabi ni Wilder at ininguso si Audin. Sinapo nalang ni Reed ang mukha niya dahil sumasakit ang ulo niya. Binaling nalang ng lahat ang tingin nila kay Blu na nakatingin sa strawberry cake na nasa harap nilang lahat.


"She smells like strawberry wine."
Wala sa sarili niyang sabi.


"Alright, that's enough. Back to training, everyone."
Utos ni Xy at pinatayo na ang lahat. Ninakaw pa ni Audin 'yung strawberry cake sa harap ni Blu bago niya sinabayan sina Reed sa paglalakad palabas ng cafeteria.

Wala sa sarili ring tumayo si Blu habang hawak-hawak pa ang kamay niya.


"Tsk! Tanggalin mo na nga 'yan. Para kang baliw."
Inis na sabi ni Lucas at tinanggal ang bandage sa kamay ni Blu na wala namang sugat.

Earlier, Reed just made Blu bleed for five minutes at mawawala rin naman kaagad ito at maghihilom narin ang sugat knowing that Blu is a pure-blood vampire.


"Hey! That was her work,"
bulalas ni Blu at agad na tinakpan ang bibig niya nung marealize kung ano ang sinabi niya. Huminto narin ang team at nilingon siya habang may nakakalokong ngiti sa labi nila.


"So, the knight has fallen, huh?"
Nakangising tanong ni Ash sa kanya.


"Sino ba namang hindi maiin-love sa babaeng 'yun? Ang ganda na, ang bango pa."
Pasimpleng sabi ni Atlas habang nakahalukipkip pero agad siyang siniko nina Wilder kaya lumingon siya sa likuran niya at bigla nalang napatalon si Atlas nung malamang nandun pala si Muirgen sa likuran niya.


"H-Hi!"
Kinakabahang bati ni Atlas sa kanya. Ngumiti kaagad ito.


"Uhm, you guys were in the way. Hindi kami makadaan."
Medyo nahihiyang sabi ni Muirgen at tinuro ang kapwa niya nurse sa UHT na nasa likuran niya. At totoong nakaharang nga 'yung Midnight Angels sa daan.

Lady MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon