Chapter 28

4.4K 260 180
                                    

'Atlas'


Silence covered the mansion. Nakaupo silang lahat sa sofa maliban sa mga may sugat at nagpapahinga sa lab. Nakayuko lang si Xy habang nakatayo sa harap at katabi naman ni Xin si Dolly na kinakabahan habang nakatingin sa lahat na parang hinihiwa na si Xy sa titig palang.

"So you're telling me.. you did it before marriage?" tanong ni Celise at hindi na kailangang sumagot ni Xy dahil sa katahimikan palang na bumabalot sa paligid ay alam na niya ang sagot.

"Just like what Tito Seth did?" tanong rin ni Chloe habang nakahalukipkip. Agad namang tumingin si Seth sa kanila.


"Hey, do not bring me into this,"
aniya pero tiningnan lang siya ni Addie.


"Totoo naman ah."
Hinilamos nalang ni Seth ang kamay niya sa mukha niya at humugot ng malalim na hininga habang natatawa namang nakatingin sina Walter sa kanya.


"Grabe, Seth. Ang galing mo talagang leader. You taught him well."
Mapanuksong sabi ni Walter kaya hinampas nalang siya ng unan ni Matthew pero tumawa narin 'yung iba at dahan-dahan nang inangat ni Xy ang tingin niya sa lahat.


"Grabe, Xy. Nagkaproblema na tayo't lahat, nagawa mo pang isingit 'yang ka—"
Tinakpan nalang ni Shinshi ang bibig ni Wilder dahil baka ano pang masabi nito.


"Oh, alam niyo na. Hindi baog si Xy."
Tumingin kaagad ang lahat kay Archer na kakababa lang at may mga benda pa sa katawan. Napasinghap agad si Celise at dali-daling tumakbo palapit dito habang inis namang nakatingin si Jayden sa kanya.


"Sino namang nagsabing pwede ka nang tumayo?"
Archer just rolled his eyes at Jayden's question at hindi na sumagot tsaka tinapik pa ang balikat ni Xy.


"Ikaw lang naman ang nagsabing baog si Xy."
Pabirong sabi ni Reed pero sumeryoso muli ang lahat dahil hindi parin umiimik ang ibang myembro ng Team Alpha.


"Sa pagkakatanda ko, matino ka naman noon,"
sabi ni Wolfie kaya yumuko muli si Xy tsaka nilagay ang dalawang kamay sa likuran niya. A posture that he only does whenever he's being scolded.


"Seth obviously gave him the idea."
Joshua commented.


"Oo nga. 'Wag niyo nga siyang pagalitan. Kasalanan ni Seth 'yan,"
sabi ni Hoshi at nilapitan pa si Xy sabay hawak sa balikat nito at ngumiti. "Daddy na 'yung baby boy namin." Mapanuksong sabi ng Tito Hoshi niya sa kanya kaya nakita nilang pumula ang tenga ni Xy tsaka niya yumuko muli.


"Look, we're glad na hindi ka baog o ano pa pero Xy, wrong timing."
Tumigil ang lahat dahil sa sinabi ni Milo habang nakatingin lang siya ng diretso kay Xy. Milo has been known for his straightforwardness that can be worse than Jayden's.


"Kakasabi lang ni Zia na may pahamak na paparating kay Dolly. And you know about her visions, nagkakatotoo ang mga 'to. If Dolly's going to get hurt, then the same thing will happen to your unborn baby."

Ilang beses nang lumunok si Xy at humugot ng malalim na hininga habang iniisip ang sinabi ng Tito Milo niya. Bumuntong-hininga nalang si Jun sabay tingin kay Dolly na nakahawak sa braso ni Xin.


"It's not like we can do anything about it now. Nandiyan na. All we can do is take care of Dolly."
Jun suggested kaya agad na inangat ni Xy ang tingin niya sa ama na nginitian lang siya.


"Tsaka sabi naman ni Zia, hindi raw mamamatay si Dolly,"
sabi ni Wilder.


"Pero wala siyang sinabi tungkol sa bata sa sinapupunan ni Dolly."
Agad na sagot ni Jayden.

Lady MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon