Chapter 1

348 26 3
                                    

Paul Jaycee Esguerra

"So tell me why on the last day of your work, walang tao dito sa cafe?" sabi ni Ryan, kasama ko rito sa cafe and at the same time, friend ko.

I looked around, tama nga siya. May tao naman pero tatlo lang. Mga regular customers since natatandaan ko yung mga mukha nila. Hindi masyadong malaki itong cafe pero hindi rin ganoon kaliit.

"Aba malay ko? Ayaw mo no'n, pahinga ako sa last day ko?" pagbibiro ko saka bumalik sa ginagawa ko. Sinusulat ko kasi yung mga kailangang bilihin mamaya para bukas. Pasukan na kasi.

"Aalis ka na ba talaga? Edi maiiwan ako dito?" pag-iinarteng sabi niya sabay yakap sa akin.

"Baliw!" sagot ko. "Lumayo ka nga, baka sabihin ng mga customer boyfriend kita. Yuck!" saka ako tumawa.

"Sus, gusto mo naman talaga ako eh, aminin mo na para liligawan na kita." ganti niyang biro.

Ako? magkakagusto kay Ryan? Well, kung hindi lang 'to straight, baka! Joke. Kidding aside, gwapo talaga siya. Total package kumbaga. Maliban sa pagwo-work niya dito sa cafe, marami siyang raket like advertising and modelling. Maraming kumukuha sa kanya eh. Aba kahit small businesses lang yon, at least kumikita siya.

Ryan knows that I am not straight, nalaman niya months ago. I thought mag-iiba yung pakikitungo niya sa'kin dahil doon, pero hindi. Ever since that day mas naging sobrang komportable na ako sa kanya kahit nagkakilala lang kami not so long ago dito sa cafe.

"Sige, sasabihin ko sa girlfriend mo na liligawan mo ako para yari ka." ligaw pala ha.

"Joke lang eh!" sagot niya at sabay kaming natawa.

Bumalik na kami sa trabaho pagkatapos nang biruan. Napansin kong umaalis na yung isang customer kaya nag-presinta ako na ako na maglilinis nung table.

Tatlo lang kami nila Ryan dito sa cafe. Yung isa ay yung manager slash owner. Wala siya ngayon, she went out to buy the supplies, mamaya siguro darating yon. She's just in her twenties and may cafe na siya. Actually from what I've heard, she's very rich so I won't even wonder.

Ako kaya? I'm already 18 and I still don't know if I can handle adult life. Wews.

Very unusual talaga yung customer ngayon. Kadalasan maraming tao 'tong cafe. Baka wala lang sa mood magkape yung iba today?

Nawala ako sa iniisip ko noong tumunog yung bell sa taas ng door which means may bagong customer. Medyo malayo itong nililinis kong table sa entrance so I didn't bother to greet the customer. Hindi rin naman niya maririnig.

I'm here cleaning so automatically Ryan will take the order. Ganoon naman kami eh, salitan or kung sino man ang available to do the work.

Bumalik na ko sa counter after kong maglinis.

"Hey, can you serve this americano to that guy?" Ryan said. He made the coffee, so I should be the one serving it.

"Okay got it" sagot ko saka kinuha yung tray.

I saw a man near at the glass window. He's typing something on his laptop so he doesn't know that I am looking directly at him. I will admit, he is so handsome. His black shiny hair really suits him as he has a white pale skin. Thick brows, rosy lips, visible jawline, and beautiful brown eyes. Parang nakakita ako ng kpop idol sa looks niya and base sa suot niya, I know he has a sense of fashion too.

Invisible String [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon