Chapter 14

95 15 2
                                    

Paul Jaycee Esguerra

Nakinig lang kaming lahat sa bawat gurong pumapasok sa room namin. Tahimik at ginagawa lang namin lahat nang pinapagawa.

Nag-uusap naman kami ni Kian minsan kaso nga lang, mga importanteng bagay about sa pinag-aaralan lang. Hindi rin naman madaldal 'tong tao na 'to kaya tumahimik na lang din ako.

Minsan sumusulyap lang ako sa kanya at wala namang pinagkaiba, busy lang siya sa pakikinig habang nagsusulat.

"Okay so for your project for the midterms..." sabi ni Miss Saroza kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"Write a whole report about a certain topic of your choice." dagdag niya.

"Hala po?" biglang angal ng kaklase ko.

"Minimum of 10 pages and you need to present it next meeting, so you'll be making a powerpoint of your report too." sagot ni Miss Saroza

Naging maingay sa classroom dahil sa mga reaksiyon ng mga kaklase ko. Kaya ako napa-angal na lang din.

Grabe naman kasi. Ganoon karami tapos next meeting agad?

"Next meeting po agad? Ang bilis naman po. Mag-iisip pa po kami ng topic." sabi ni Renz, kaklase ko.

"Don't worry, you will be grouped into 4, you all are so dramatic." sagot ni Miss Saroza na nagpatawa sa'min.

"Besides, we need to finish this before your prom arrives so you can finally rest from my subject." dagdag niya.

"Paano po yung groupings Miss?" tanong pa ng isa kong kaklase.

"Make your own group." sagot niya.

Napatingin agad si Adi sa'kin sa harapan at kinindatan ako. Kaya tumango ako.

"Kian, sa'kin ka na ah?" sabi ko syempre lalayo pa ba ako.

Napatingin pa siya sa'kin na kakaiba na parang nagtatanong yung mata niya.

Doon ko lang na-realize yung mga sinabi ko.

"Hoy! I mean, sali ka sa group namin ni Adi." I said then looked away.

"Okay." yun lang yung sagot niya kaya hindi na rin ako sumagot pabalik.

"I will make sure that we will consume all of our time next meeting. Make sure to do it. Class dismissed." sabi ni Miss Saroza saka lumabas.

Saktong paglabas ni Miss ay saka naman nagkaingay sa classroom

"Grabe naman 'yon! Ang bilis. Ano tayo robot?" sabi ng kaklase ko.

"Oo nga. Wala pa nga akong maisip na topic." sabat ng isa.

"Ano kayang trip no'n? Hindi man lang sinabi kung sino una magrereport o ano." sabat pa nung isa.

Nakita kong papalapit si Adi sa gawi ko kasama yung isa pa naming kaklase na si Rina.

"Jay, sali ko rin sa group natin si Rina hehe." sabi ni Adi.

"Sure, kumpleto na tayo." sagot ko.

"Sino yung isa?" tanong ni Rina.

Invisible String [BxB]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن