Chapter 2

153 25 1
                                    

Paul Jaycee Esguerra

Maaga akong nagising. Mas nauna pa ako sa alarm clock kaya naman maaga akong nakakilos at maaga ring nakaalis ng bahay. Hindi ko na ginising si mama dahil mahimbing pa ang tulog. Hindi rin naman ako hihingi ng baon kasi may pera pa naman ako. Ako pa nga ang nagbigay sa kanya ng pera pagkakuha ko ng sahod ko kahapon.

Nakasakay na ko ng bus dahil ito ang unang dumating. Pwede rin namang jeep kaso bihira pa lang ang jeep na dumaraan ng ganito kaaga dito sa amin. 5 AM na at 6:30 AM pa naman ang pasok ko. May balak pa kasi akong puntahan si Ryan sa building nila kaya mas pinili ko na maagang umalis.

After 15 minutes ay dumating din ako sa school. Sumisikat pa lang ang araw kaya wala pang masyadong init. Medyo malamig nga, buti na lamang at long sleeves itong uniform namin kaso may vest kaya alam kong mainit sa katawan 'to mamaya.

I was about to enter when I saw a familiar figure but I can't really remember kung saan ko siya nakita? In fairness, ang aga niya pumasok.

Ideal guy check. Charot.

After kong mag-tap ng ID, pumasok na ako ako dumeretso sa loob. Maganda itong school. Private eh.

Malawak din siya. Nasa kabilang dulo kasi yung mga building ng mga college.

Maglalakad pa sana ako ulit kaso naalala ko, hindi ko pala alam kung saan yung building at room ni Ryan. Dapat pala tinanong ko na kahapon.

Grade 12 na kasi kami. Magkaiba ng strand. ABM siya, HUMSS ako kaya hindi kami magkakasama.

Pumunta na lang ako sa room. May iilang tao naman na nauna kaya pumasok na rin ako. Hindi ko sila kilala kaya sa dulo muna ako umupo.

I took the last seat at the very back of the classroom. Hindi naman sa ayaw ko sa interaction, mas komportable lang kasi para sa'kin yung upuan na 'to.

I was just observing my classmates. Habang tumatagal dumadami rin yung mga tao. Yun nga lang, walang tumatabi sa'kin kasi nga nasa dulo ako. Mukhang magkakakilala yung iba sa kanila since nakakapag-usap at tawanan sila nang malakas.

I took my phone out, manonood muna ako random videos sa internet. May 30 minutes pa naman. I used my earphones too. Ang agaw atensyon ko naman kung yung speaker ng phone ko gagamitin ko.

I was enjoying the videos. Hindi ako tumatawa kahit nakakatawa kasi baka mapalakas at maging center of attention ako. While watching I felt someone seated on the next seat on my left. Hindi ko muna pinansin. Nag-eenjoy ako eh.

After a few minutes I decided to turn off my phone. Baka may dumating na kasi na teacher, anong oras na rin. Kaya nilagay ko na sa bag ko yung phone at earphones ko.

Nilingon ko yung katabi ko and his head is down. Nakayuko siya sa table niya at parang tulog.

Ayan kasi alam na may pasok, hindi natutulog nang maaga. Tsk tsk.

Hindi nga ako nagkamali, may dumating na so we all stood up maliban sa katabi ko. Nasa likod kami kaya hindi siya halata.

"Okay class, Good morning!" nakangiting bati nung teacher na babae.

"Good morning, Miss!" masiglang bati namin pabalik.

Aba at parang walang naririnig yung katabi ko? First day pa naman! Sigurado akong papagalitan ito kapag nahuli kaya patago ko siyang kinalabit at binulungan.

"Hoy, nandiyan na si Ma'am" bulong ko sa kanya.

Pero parang wala talagang narinig.

Invisible String [BxB]Where stories live. Discover now