Chapter 3

132 23 1
                                    

Paul Jaycee Esguerra

Pagkalabas pa lang nung huling teacher ay lumabas din agad ako. Hindi lang dahil nahihiya ako sa katabi ko, kundi rin dahil nagugutom na ako.

Punong-puno ng tao yung hallway at kahit yung buong school grounds. Usap dito, usap doon. Ingay lang ang maririnig mo.

Nakarating din ako sa cafeteria after so many years and as what I've expected, punong-puno rin ng tao yung loob. Occupied na lahat ng seats sa loob pero meron pa namang natitira rito sa labas. Ayaw ko na dalhin sa room yung pagkain ko kaya nagmadali na akong um-order.

Normal naman yung presyo ng mga pagkain, hindi ka naman lalagnatin sa gastos. Kaya nga lang mas mahal ng kaunti yung presyo kesa sa labas ng school.

Nag-order lang ako ng rice at pork steak, sinamahan ko rin ng tubig. Awat muna ako sa softdrinks at baka ako'y magkasakit.

Siniguro kong umupo ako sa pinakadulong upuan sa labas. Ayoko lang na may makihati ng table. Baka hindi rin ako makakain nang maayos.

Siguro nasa 10 minutes na akong kumakain when someone sitted in front of me.

Wait. Nasa dulo ako ah? And ang dami pang vacant tables doon sa harap. Bakit dito?

I look at her, yes alam ko na agad na babae siya because of her scent.

Maganda siya, medyo mahaba ang buhok, brown eyes, matangos ang ilong, mapupula ang labi at maputi.

"Hi" sabi niya sabay ngiti.

"Hello" sagot ko with tipid na ngiti.

"Can I sit here?" she asked.

Nakakapagtaka lang, napakaraming vacant seats doon sa kabilang side. Bakit dito pa siya pumunta?

"Ah yes, go ahead." sagot ko.

"Thanks" and she started eating her fries.

Bumalik ako sa pagkain ng foods ko. Medyo nakakailang kasi kahit hindi ako nakatingin alam kong tinititigan niya ko.

Deadma na lang and I resumed eating

Wala pang 5 minutes nagsalita na naman siya.

"Ang gwapo mo" she said out of nowhere.

A-Ano?

"H-Ha?" naintindihan ko naman, pero hindi ko alam bakit sinabi niya yon?

"Oh wait. Don't misinterpret me ha? I'm just being honest. Baka sabihin mo may gusto ako sayo." pagpapaliwanag niya nang nakataas pa yung dalawang kamay.

"Ah. Thank you." sagot ko na lang sabay ngiti.

"You're Jaycee right?" she asked.

"Yes, but how did you know?" kilala ko ba 'to?

"I'm your classmate. I'm Adela Lopez. Adi for short." she said then offered her hand.

"Ah really? I'm sorry." sabi ko, hindi ko naman kasi talaga siya naaalala. Then I took her hand.

"It's okay" she simply answered.

"Since we know each other's names. Can we be friends?" she asked.

Friends? Wow, totoo ba 'to may makikipag-friends sa'kin?

"Ah—" hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil tinakpan niya ng index finger niya yung bibig ko.

"Oops. You can't say no. You're my friend and I'm your friend now. See you around. Bye!" she said then in a second she melts from my sight.

Invisible String [BxB]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ