Chapter 13

99 17 1
                                    

Paul Jaycee Esguerra

Imbis na pumasok ulit sa kotse, naglakad ako at tumawid sa kabilang kalsada. Pupunta ako sa convenience store dahil nakaramdam ako nang gutom. Naalala ko, hindi pala ako nag-hapunan.

Iniwan ko muna si Kian at hinayaang matulog. Bagsak eh. Hindi ko alam kung kumain na rin ba siya o hindi kaya bibilihan ko na rin siya para sigurado.

Dahil madaling araw na, wala namang tao sa loob bukod sa cashier at isang babaeng customer na kumakain din.

Kumuha ako ng siopao pero yung bola-bola lang, ayoko yung asado hindi ako kumakain no'n. Kumuha rin ako ng isang bottled water. Binayaran ko saka umupo sa isang vacant table. Mamaya ko na kukuhaan si Kian bago bumalik.

Habang kumakain, naalala ko na nasa akin pala yung phone ni Kian. Kinuha ko sa bulsa ko saka binuksan.

Nagulat ako kasi walang password. Ine-expect ko meron kasi napaka-secretive nung asungot na 'yon.

Balak ko sanang pumunta sa contacts para makita kung sino pwede kong tawagan para i-uwi si Kian at para makasabay din ako.

Pero I stopped. Malay ko ba kung hindi alam ng parents niya or nung kung sino pwedeng tawagan that he drinks alcohol? Edi yari ako.

Isa pa, I respect his privacy. Ayokong mag-browse sa phone niya without his permission. Mamaya may makita ako doon na hindi ko pala dapat makita.

Hihintayin ko na lang siyang magising.

Noong matapos akong kumain, bumalik ako doon sa section ng mga foods saka kumuha ng cup noodles. Katulad noong dati naming kinain when he told me about the deal.

Diba maganda sa may mga hangover yung sabaw?

Kumuha rin ako ng mainit na kape saka isang bottled water. Kinuha ko na lahat para sure.

Binayaran ko na lahat nang kinuha ko saka naglakad palabas para bumalik sa kotse. Dahan-dahan lang ako, ang init parehas nang hawak ko eh.

Nakarating na ako sa parking at nakita ko siya na gising na, nakatayo pero nakayuko at naka-sandal sa gilid ng kotse niya.

"Tss. Gising ka na pala eh." sabi ko.

Gulat siyang napatingin sa'kin at mabilisang lumapit para kuhain yung mga hawak ko.

"I thought you already went home." sabi niya.

"Iiwan ba kita mag-isa rito?" sabi ko saka pumasok sa kotse niya.

Pumasok din naman siya sa kabila.

"Kainin mo na 'yan, or kung hindi ka gutom, inumin mo na lang yung kape. Baka makatulong sa hangover mo." sabi ko.

Nakatingin lang siya sa'kin. "D-Did you stay here to look after me?" tanong niya.

Hindi ko alam kung may tama pa ba 'to ng alak o medyo lutang lang talaga siya eh. "Obvious naman? Nandito nga ako eh. Tsk. Sige na, kainin mo na 'yan." sabi niya.

"Why did you only bought one?" tanong niya.

"Kumain na kasi ako." sagot ko.

Nagsimula na siyang kumain. Nagutom din siguro 'to, medyo mabilis sumubo eh.

"I was about to go home and call you but my phone and car keys are missing." sabi niya.

"Nasa akin." sagot ko saka nilabas yung phone niya saka susi at inabot sa kanya.

Invisible String [BxB]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt