Chapter 10

116 19 7
                                    

Paul Jaycee Esguerra

Dahil weekend, late na ako nagising. Mataas na yung sikat ng araw noong pagdilat ko ng mga mata ko.

Imbis na tumayo, kinuha ko muna yung phone ko saka nag-scroll sa social media.

Nasabihan ko na si Ryan at Adi about sa pupuntahan mamaya. They both said yes.

Sakto pa yung pag-aya ko kay Ryan kahapon kasi saktong matatapos yung shift niya sa cafe sa oras na sinabi ni Kian kaya makakasama siya.

Si Adi naman ay instant na pumayag. Sinabi ko kasing mami-meet namin yung ibang friends ni Kian and I don't know why she's so excited.

6 PM pa naman yung oras na binigay ni asungot kaya medyo mahaba pa yung oras na hihintayin.

Nag-presinta si Adi na siya na susundo kay Ryan sa cafe kaya binigay ko sa kanya yung location na binigay sa'kin ni Kian.

We're going to a bar.

Pagkatapos kong makuntento sa paggamit ng phone, tumayo na ako't naghilamos at nag-toothbrush saka bumaba.

Nakita ko si mama na nasa sofa, she's using her phone.

"Sarap yata nang tulog ng anak ko ah? Kumain ka na diyan, nag-luto ako." sabi ni Mama.

"Sige po." sagot ko saka pumwesto sa lamesa.

"By the way Ma, may tanong ako." sabi ko noong may maalala ako.

"Hmm?" sagot ni Mama nang hindi tumitingin sa'kin, busy sa phone niya.

"What do you call it when you feel something on your chest?" tanong ko.

Nagulat na napatingin si Mama sa'kin, napatayo pa siya. "Bakit anak?!? Anong nangyari sa'yo?" tanong niya na nagpa-panic na.

"No it's not me, it's my classmate." I lied.

"And it's not a physical pain, it's more about a feeling. Bumibilis daw yung tibok ng puso niya when this person is near." dagdag ko. Please be good Ma, I just wanna know the answers.

"Ah." sabi niya sabay upo. "Yung parang nakakakaba pero nakaka-excite at the same time?" tanong niya.

Tumango ako. Oo ayon mismo yung pakiramdam kapag nandiyan si Kian.

"Your classmate is probably in love with that person." sagot ni Mama.

Nasamid ako!

Dali-dali akong uminom ng tubig. "L-Love?" tanong ko.

"Or maybe he likes the person. Who knows? He only knows what he feels." sabi niya.

Hindi na ako sumagot pa at tinapos ko na yung pagkain ko. 

Nagpaalam na ako kay Mama na aakyat muna ulit. Pumasok na ako sa kwarto at humiga ulit sa kama ko.

Ako??? May gusto kay Kian? Ako??? In love kay Kian?

Hell no.

Why would I even like him? There's no such reason.

This is probably just because he's someone who is mysterious and different. I'm just curious and carried away by his actions. That's it.

Kahit na binulabog na ko nang sinabi ni Mama, kinalimutan ko na lang ulit.

Nagpalipas na lang ako ng oras sa panonood ng movies. I forced myself na makalimutan yung mga narinig at naiisip ko about kay Kian.

Invisible String [BxB]Where stories live. Discover now