Chapter 9

104 16 8
                                    

Paul Jaycee Esguerra

Tahimik lang ako habang nagda-drive si Kian pabalik sa school. Sinabi ko kasi na doon na lang niya ako ibaba kasi may pupuntahan pa ako.

Kahit wala naman. Ayoko lang magpahatid kahit kanina niya pa ako pinipilit.

Simula kanina ay hindi ako makatingin sa kanya. Nahihiya na tila naiilang ako kaya nanahimik na lang ako at baka may iba pa akong magawa o masabi.

Kanina pa sobrang weird nang pakiramdam ko at kanina pa ako naguguluhan.

Simula noong maramdaman ko sa classroom yung kakaiba sa dibdib ko, paulit-ulit ko na iyong nararamdaman tuwing malapit si Kian.

Pero lahat 'yon ay kinalimutan ko muna. Malay ko ba kung ano 'yon at isa pa, hindi naman big deal.

"Are you sure I'll drop you off at school? We can go straight to your house." sabi niya. It's like the 10th time na tinanong niya 'yon.

"No, it's fine." maikling sagot ko.

Hindi naman na siya sumagot kaya tumahimik na ulit.

Pinanood ko na lang yung mga nadadaanan namin.

Napaisip din ako kung hanggang kailan kaya yung deal? Malapit na rin mag-isang linggo.

Hindi naman sa nagre-reklamo, na-curious lang talaga ako.

Ewan ko nga eh, ako yung may utang pero ako yung nagiginhawaan? Like? Akala ko uutusan niya akong bumili ng pagkain o gumawa ng homework niya.

Pero hindi, yung utos lang niya ay sumama ako sa kanya kung saan-saan.

"Are you okay? You don't seem normal." sabi niya na ikinagulat ko pa.

"See? You're acting different." dagdag niya.

"Tss. May iniisip lang eh." sagot ko na lang.

Nakarating na kami sa school, pumarada muna siya sa gilid.

Nag-aayos na ako ng sarili ko pababa ng sasakyan ngunit hinawakan niya ako sa braso.

"Wait." May kinuha siya sa maliit na paper bag na nasa likod galing sa binilihan namin. "Here, this is for you." sabi ni Kian at inabot sa'kin yung pabango. 

"Ano 'to?" tanong ko pa.

Naguguluhan ako. He bought two?

"That's a perfume, obviously." sagot niya ng hindi tumitingin sa'kin.

"Tss. Alam ko! I mean, para saan 'to?" tanong ko pa.

Tinignan ko pa yung packaging at iba nga 'to sa kinuha niya kanina.

"Thank you for coming with me." he looked at me for a second with a smile.

I suddenly looked away. Nalaglag yata yung puso ko! I don't know! I felt a sudden kick in my heart.

I don't think this is normal. Help.

"I should be the one saying thank you." sagot ko without looking at him.

Ang init ng mukha ko.

Hindi na siya sumagot kaya nagpaalam na ako. "Sige na bye! Thank you sa ride, pati sa perfume." sabi ko with a big wide smile.

"Bye." sagot niya kaya bumaba na ako.

Hinintay ko muna siyang makaalis bago ako sumakay ng bus para umuwi.

Invisible String [BxB]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن