Chapter 7

100 17 0
                                    

Paul Jaycee Esguerra

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang na-stuck kami ni Adi sa traffic dahil rush hour na.

She's playing music so we were bopping our heads inside the car instead na mainis dahil hindi umuusad yung sasakyan.

Dina-digest ko pa yung information na famous pala si Kian sa school plus the idea of him setting that deal with me.

We don't know each other. That kinda doesn't make sense.

"Siya nga pala, ano yung kain together moments niyo ni Kian kanina?" curious na tanong ni Adi.

Nagulat pa ako sa tanong niya. Nakita niya siguro kami kanina.

"Ah wala 'yon, inaya niya lang ako kumain." I lied, pero somehow true dahil siya naman talaga ang nag-aya.

I don't wanna tell Adi the deal that I have with Kian yet.

"Oooh. Kian asking you to eat with him? That's kinda sus." pang-aasar niya.

Ayoko pa sabihin hindi dahil wala akong tiwala kay Adi. I just wanna respect Kian's privacy. Malay ko ba kung ayaw niya malaman ng iba? Nakakadalawa na ko sa kanya, ayoko na tumatlo at baka bumingo na talaga ako.

"Baliw." Natawa ako. "Baka wala lang friends na makasabay." sagot ko na lang.

Baka nga kaya dahil may ganitong deal dahil walang makasama si Kian sa pagkain. Tss.

"Anong wala? May mga friends 'yon! Nasa college nga lang." sagot niya habang umaabante ng kaunti, sobrang bagal ng galaw ng mga sasakyan.

"Nasa college?" nagtatakang tanong ko.

Paanong nasa college?

"First year college na dapat 'yan si Kian kaso last school year, wala pang first month he stopped going to school because of an unknown reason." sagot ni Adi na hindi tumitingin sa'kin, nagsimula na kasing gumalaw yung mga sasakyan.

"Talaga?" nasagot ko na lang. Kaya pala mas matanda na siya sa'kin ng isang taon, huminto pala siya.

Kian is a very intelligent student. Hindi lang siya average student na kilala mo, he's doing good inside the classroom too. Well, I can say because I observed him. He also has the beauty. God's favorite if you would ask me. Kaya naiingit ako kay Kian eh.

"Yep and his friends are kinda famous too because they all look good. Para silang squad ng mga artista." sagot ni Adi.

Tango na lang ang naisagot ko. Everyday yata ay may new information akong nalalamam tungkol sa lalaking 'yon.

Nakarating na kami sa kantong bababaan ko kaya nagpaalam na ako at nagpaalam kay Adi.

"Ingat!" sabi ko bago isara yung pinto ng sasakyan.

Naging normal naman yung mga dumating na araw. Mas naging busy kami dahil sa dami nang pinapagawa.

Ngayon nararamdaman ko na talaga yung pagod. Naisip ko tuloy si Ryan kung paano niya nagagawang mag-aral at magtrabaho nang sabay.

Punong-puno ng discussion at iba-ibang school works ang bawat oras at gano'n ang nagiging scenario araw-araw tuwing may pumapasok na teacher sa classroom.

Invisible String [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon