Chapter One Hundred and Twenty Seven || Jerome

99 10 0
                                    

"Nakaalis na ba raw sila Irene?"

Sampung minuto na lang bago mag-alas dos nang ibaba ni Tobias sila Irene at Ton sa sakayan ng bus papuntang Katipunan. Kumaripas kaagad sila ng takbo dahil binanggit sa kanila ni Tristan na paalis na ang bus at isang oras pa ang kailangan nilang antayin bago dumating ang susunod.

Napagkasunduan naming apat na mag-meryenda muna sa pinakamalapit na foodcourt habang nag-iisip ng sunod naming gagawin.

Hindi ko naman maiwasang pagmasdan ang dami ng mga tao na kumakain sa loob ng foodcourt. Sa sobrang dami nila ay wala na akong nakikita na bakanteng lamesa; inaabangan na nga lang ng iba na tumayo ang mga tapos nang kumain bago nila angkinin ang mga lamesa.

Buti pala mabilis ang paa ni Anita at nakaupo kaagad siya sa lamesang ginagamit namin ngayon bago pa ito makuha ng ibang tao.

"Kakaalis lang raw ng bus na sinasakyan nila," sagot ni Tristan sa tanong ni Anita. "Mukhang matatagalan pa sila bago makarating sa UP kung traffic na sa EDSA ngayon."

"Sana makaabot pa si Irene sa shift niya sa cafe..." nag-aalalang sinabi ni Anita.

Nahinto ang usapan nilang dalawa nang makita namin si Tobias na naglalakad pabalik sa lamesa namin bitbit ang isang tray na puno ng maraming pagkain.

"Wala na akong sukli, 'di ba?" tanong ni Tristan.

Tumango na lang si Tobias bilang tugon.

Kaagad na binuksan ni Anita ang inabot ni Tobias sa kanya ang isang paper bag para maglabas ng isang tsokolateng tinapay na katulad ng binebenta sa cafe nila Nathan. Binigay na rin ni Tristan sa akin ang pinabili kong halo-halo bago ininuman ang sarili niyang himagas na milk tea.

"So teka... hindi na tayo pwedeng pumunta sa mga gig simula ngayon?" tanong niya kay Anita.

"Ba't naman?" tanong ni Anita pabalik sa kanya. "Wala naman silang sinabi na bawal na tayong pumunta ng gig ah."

"Kailangan ata magpaalam muna tayo sa kanila bago tayo tumanggap ng booking," paliwanag ko. "Kasi may hati rin ata sila sa pera na makukuha natin."

"Ang daya naman ata nun..." reklamo ni Tristan.

"Tanga, okay na rin 'yun ah..." depensa ni Anita. "Mas makakatipid ka na nga dahil libre na 'yung studio na gagamitin natin kung magsa-sign na tayo sa label nila."

"Tsaka tutulong na rin sila sa paghahanap ng mga gig para sa atin," dagdag ko. "Hindi mo na kailangang mamroblema."

"Mas marami ka nang oras para mag-aral," biro ni Anita.

Natawa na lang kaming tatlo habang nagpapatuloy kami sa pagkain. Kaagad namang naubos ni Anita ang kinakain niyang tinapay kaya tinapon na niya ang supot nito sa basurahan.

"Gutom pa ako..." hinaing niya sa amin. "Pahingi nga niyan, Tristan."

"Bibili ka ba ulit?" tanong ni Tristan. "Pasabay na rin pala ako nung kinakain mo kanina."

Binigay na niya ang kanyang milk tea kay Anita bago lumingon kay Tobias. Ngunit abala na siga sa pagsipsip ng kanyang fruit shake habang nanonood sa kanyang cellphone.

"Ako na bibili." Inabot ko sa kamay ko sa kanilang dalawa para humingi ng pambili. "Titingin na rin ako ng pasalubong para kay Tita."

Pagkatapos akong bigyan ni Tristan ng pera at nang maipaliwanag na ni Anita ang ipapabili niya sa akin ay tumayo na ako para puntahan ang tindahan ng mga tinapay sa kabilang dulo ng foodcourt. Pagkarating ko doon ay madali kong nahanap ang pinapabili nila sa akin kaya nagkaroon pa ako ng oras para mamili ng iuuwing pagkain.

Maginhawa Nights #TheWattys2022Where stories live. Discover now