Chapter Ninety-Seven || Jerome

123 8 0
                                    

"Awkward..."

Nakatayo pa rin kaming anim sa labas ng cafe kahit nakaalis na sila Nathan. Bitbit na namin ang sari-sarili naming mga gitara habang hinahanda na ni Tobias ang kanyang sasakyan.

Alam ko na kaagad nung pagkalabas na pagkalabas ni Nathan sa cafe na kailangan ko siyang pasalamatan para sa open-mic night sa cafe nila, pero hindi ko inasahan na balak niyang ibigay sa amin 'yung naipon nilang tips ngayong gabi.

"Mahiyain pala si Nathan, ano?" tanong sa akin ni Irene.

"Tsaka mabait," dagdag ni Ton.

"Para namang hindi siya 'yung Nathan na nakukwento mo sa amin, Jerome..." pagpapatuloy ni Irene. "Di ba kaklase mo siya Anita sa Kas?"

"Oo, pero ganun rin naman 'yung ugali niya, halos hindi rin nagsasalita."

Ngayon ko lang naiisip na napaka-desperado ng ginawa ko kanina noong tinawag ko ang atensyon ni Nathan. Di ko ba alam kung anong sumagi sa isip ko kaya ko 'yun nagawa... alam ko namang hindi pa siya handang makipag-usap ulit sa akin. Inuna ko pa ang sarili ko kesa sa nararamdaman niya. Nagiging makasarili na naman ako.

Kaya siguro parang nananamlay si Nathan kanina nung kinausap ko siya.

Sana pala hindi ko na lang 'yun ginawa.

"Oy, ako sa gilid!"

Lumingon ako sa aking likuran at nakita kong isa-isa nang pumapasok sila Tristan sa sasakyan, kaya binuksan ko na rin ang pintuan para pumuwesto sa likod ni Tobias.

"San tayo?" tanong ni Tobias kay Tristan na nakaupo sa kanyang tabi nang naisara na ni Anita ang pintuan sa kanyang tabi.

Lumingon sa amin si Tristan.

"Saan niyo gustong kumain?" tanong niya. "Walrus tayo, g?"

"Marami na masyadong tao dun ngayon, pre..." banggit ni Ton nang tingnan niya ang oras sa kanyang cellphone. "Peak hours na ng mga bar oh."

"May mare-recommend ka bang kainan dito sa Magins, Jerome?" tanong sa akin ni Irene.

"Pwede namang doon na lang ulit tayo sa food court," sagot ko.

Umatras na ang sasakyan Tobias mula sa parking lot ng cafe nila Nathan. Huminto na ang mga paparating na mga sasakyan mula sa magkabilang bahagi ng kalsada para hintayin bago makaandar na kami papasok ng Maginhawa.

"May plano ka pa bang tumugtog ngayon?" biro ni Anita bago siya humikab. "Hindi ka pa ba inaantok?"

"Oo naman! Kakainom nga lang natin ng kape," banggit ko sa kanya. "Ikaw, ba't inaantok ka na kaagad?"

"Di ko ba alam kung ba't ganito ako lagi..." Isinandal ni Anita ang kanyang ulo sa bintana ng sasakyan ni Tobias. "Kaya nagdadalawang-isip talaga ako kapag iinom ako ng kape bago magpuyat buong gabi."

"Same. Nakakainis rin kaya minsan!" Nags-scroll na si Irene sa kanyang cellphone sa tabi ni Anita. "Mas mahirap labanan ang antok kapag nagkape ka sa gabi."

Nakaka-miss naman 'yung panahon na nagkakape pa ako sa gabi dahil kailangan kong mag-review buong magdamag. Ngayon wala na akong choice kundi pilitin ang sarili ko na matulog kahit mataas na ang sikat ng araw sa labas, kundi hindi ako makakatagal sa pagtugtog ko sa foodcourt. Halos hindi ko na nga matandaan kung anong feeling na matulog nang normal na oras ng pagtulog eh.

Eh wala eh, eto 'yung pinili kong landas... wala na akong magagawa kung ito talaga ang gusto ko.

Nanahimik na kaming lahat sa loob ng sasakyan at tanging ang radyo na lang ni Tobias ang naririnig ko. Mukhang local radio station ang pinapakinggan ni Tobias dahil sa naririnig kong Tagalog mula sa babaeng radio jockey, na sinundan naman ng laugh track pagkatapos niyang magbiro.

Maginhawa Nights #TheWattys2022Where stories live. Discover now