Chapter Seventy Eight || Nathan

127 12 0
                                    

"Tinext ko na sila Angel at Kate... hintayin na lang natin sila na dumating."

Hindi na nag-atubili sila Bea na papuntahin ako sa kotse ni Patrick para doon ilabas ang lahat ng emosyon ko. Pinipigilan ko na lang na umiyak habang naglalakad kami palabas ng campus at baka may makasalubong kaming prof o kung ano man, saka ako humugulgol nang nakarating na kami sa kotse ni Patrick na nakapwesto sa pinakadulo ng parking lot.

Nakasandal ako ngayon sa balikat ni Bea at nakataas ang pareho kong mga paa sa upuan ng sasakyan habang patuloy na lumuluha ang mga mata ko. Hinubad ko na ang sapatos ko at baka mag-reklamo mamaya si Patrick na marurumihan 'yung seat cover ng sasakyan niya. Maarte pa naman si Patrick pagdating sa kalinisan ng kotse niya.

Grabe, ang bilis ng mga pangyayari... hindi ko pa rin ma-register sa utak ko na tapos na ang lahat. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na baka nanliligaw pa lang si Jerome kay Christine at baka may tsansa pa ako kung umamin ulit ako sa kanya ngayon... pero sino ba naman ako para makigulo sa kanilang dalawa?

Nakagawa na ng desisyon si Jerome... at hindi ako 'yon.

Magmumukha lang akong epal kung isisiksik ko pa ang sarili ko sa kanilang dalawa. At wala rin namang kasiguraduhan kung pipiliin niya pa rin ako kaysa kay Christine kahit kitang-kita ko na kung gaano nila kagusto ang isa't-isa.

Paano kung ginagamit lang ni Jerome si Christine para pagselosin ako? Baka gusto lang niyang tingnan 'yung magiging reaksyon ko kung makita ko siyang may kasamang ibang babae?

Paano kung hindi pa huli ang lahat?

"Minessage ako ni Jerome..." banggit sa amin ni Patrick. "Tinatanong kung nasaan raw tayo."

"Hayaan mo siya," utos ni Bea. "Wag na wag mong bubuksan 'yang message niya."

"Walanjo naman oh. 'Kasama niyo pa ba si Nathan ngayon'..." pagpapatuloy ni Patrick. "Ba't hindi niya tanungin sa kanya? Lowbat ka ba, Nathan?"

"Hindi naman siguro..." Kinuha ko ang cellphone ko mula sa aking bulsa, pero 64% pa rin ang battery nito. "Marami pa namang palang charge 'yung phone ko eh..."

Ba't hindi na ako kayang kausapin ni Jerome? Nag-guilty na ba siya sa ginawa niya? Teka, paano kung alam na niyang may gusto ako sa kanya? Pero ano naman kung alam na niya ngayon... may balak pa ba siyang humingi ng tawad sa akin?

"Blinock ko na 'yung number ni Jerome sa phone mo para hindi ka na niya matawagan," paliwanag ni Bea. "Siguro naman magiging busy na siya kay Christine kaya wala na siyang rason para abalahin ka pa."

"Pero bakit niya tinatanong si Patrick kung nasaan ako?" tanong ko kay Bea. "Hindi mo naman sinabi kahit kanino na may gusto ako sa kanya, 'di ba?"

"Teka, ano?!" Napalingon kaagad sa amin si Patrick. Parang gulat na gulat siyang malaman na may gusto ako kay Jerome. "So tungkol 'to sa pagkakagusto mo kay Jerome? Kelan pa?!"

"Hindi pa ba obvious?" tanong ni Bea. "Ano ba sa tingin mo ang dahilan kung bakit humahagulgol na sa kakaiyak 'tong si Nathan ngayon?"

"Ba't hindi mo sinabi?!" tanong ni Patrick sa akin. "Kay Bea mo pa talaga unang sinabi 'yung sikreto mo kaysa sa akin, ano? Ba't parang mas pinagkakatiwalaan mo pa si Bea kaysa sa akin pagdating sa pagtatago ng sikreto?"

"Grabe naman 'to! Nagkataon lang kasi na napag-usapan namin si Jerome kaya ko natanong si Nathan!" depensa ni Bea.

"Sinungaling... mas kapani-paniwala ka kung sinabi mo sa akin na wala na kayong mapag-usapan na topic kaya niyo napag-usapan si Jerome."

Nagulat kami pareho ni Bea nang may narinig kaming kumatok sa bintana ng kotse ni Patrick. Lumingon ako at nakita ko si Kate na nakatayo sa labas at sinesenyasan ako na papasukin siya. Inayos ko kaagad ang upo ko nang sa gayon ay mabuksan na ni Kate ang pintuan ng kotse at makapasok sa loob.

Maginhawa Nights #TheWattys2022Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon