Chapter Seventy-Six || Nathan

145 12 3
                                    

"Okay, class... time is up!"

Magkakahalong sigaw ng 'Ma'am, wait!', "Teka lang, Ma'am!", at "Ma'am, pa-extend!" ang narinig ko mula sa mga kaklase ko nang i-announce ng proctor namin na tapos na ang oras ng pagsasagot namin ng exam sa English.

Karamihan kasi sa amin ay hindi pa rin tapos sa pinapagawang five-hundred word essay sa dulo ng test — gulo-gulo na nga ang sulat ko dahil kanina pa ako nagmamadali na tapusin ang essay ko.

Ramdam na ramdam na naming lahat ang stress sa loob ng classroom nang isa-isa nang lumapit sa proctor namin sila Kate, Christine, at Angel para i-submit na ang kanilang mga papel.

Buti na lang at pasimpleng kinausap ni Christine ang proctor para i-distract siya nang habang tinatapos na namin ang essay.

Mas lalo naman akong kinabahan nang tumayo na rin si Jerome sa tabi ko upang ibigay sa proctor ang kanyang papel.

"T-Tapos ka na, Jerome?!" tanong ni Bea nang madaanan siya ni Jerome sa unahan ng classroom. "Walanjo, wala pa ako sa kalahati!"

"Tatawanan sana kita kung tapos na sana akong magsagot eh," banggit ni Patrick na hindi pa rin tapos sa pagsasagot ng essay. "Teka, onti na lang..."

"Guys, tama na pagsasagot!" pag-uulit ng proctor namin. "Ten minutes na tayong overtime oh! Hanggang alas-kwatro lang dapat 'yung exam!"

"Sa wakas, natapos rin!" sigaw ko nang maisulat ko na sa aking papel ang kahuli-hulihang sentence ng essay ko.

Tumayo na ako at binasa ang mga sinulat ko sa unahang pahina ng papel para i-double check ang mga sagot ko sa multiple choice part ng exam habang naglalakad papunta sa unahan ng classroom. Halos matawa na ako sa sobrang bilis ng pagsusulat ni Bea nang madaanan ko sila ni Patrick — naririnig ko na 'yung mabilis na pagkiskis ng ballpen ni Bea sa papel niya.

"Guys, isa!" pagbabanta ng prof namin habang inaayos niya ang mga sinubmit naming papel sa kanya. "Hindi ko na 'yan tatanggapin mamaya!"

"Bahala na nga!" Nawalan na ng pag-asa si Patrick kaya tumayo na rin siya kahit pa hindi pa niya tapos ang kanyang essay. "Hindi ko rin naman maintindihan 'yung pinagsususulat ko dito... Aasa na lang ako sa partial points..."

"Bea, tama na 'yan..." biro ko kay Bea nang hindi pa niya pinapasa ang kanyang papel sa proctor. "Hindi naman siguro bibilangin ni Sir kung ilang salita 'yung essay mo..."

"Shh!" saway niya sa akin. "Manahimik ka!"

Natawa na lang kami ni Patrick sa reaksyon ni Bea. Naglakad na ako pabalik sa pwesto namin ni Jerome sa likod ng classroom habang isa-isa nang nagsisilabasan ang mga kaklase ko sa hallway.

"Sabay ka ba sa amin pauwi?" tanong ko kay Jerome bago ko pulutin ang aking bag sa ilalim ng upuan ko. "Wala na naman sigurong training si Kate ngayon kaya baka pwede na siyang sumabay sa atin sa jeep mamaya."

"Hindi pa ako uuwi..." banggit ni Jerome sa akin habang inaayos niya ang kanyang gamit. "M-May kailangan pa kasi akong asikasuhin..."

"Ay oo nga pala... Physics nga pala exam bukas, ano? May tutorial session pa rin ba kayo mamaya?"

"Parang ganun na nga." Umupo si Jerome sa kanyang upuan. "Baka sakaling may matutunan pa akong technique kung paano sagutan 'yung exam bukas..."

"Oy, kain muna tayo bago kayo umuwi!" pag-aaya ni Bea sa aming dalawa ni Jerome bago niya iabot sa proctor ang kanyang papel. "Bigla akong nagutom dahil sa bwiset na English na 'yan..."

"Oo nga, tara..." pagsang-ayon ni Patrick sa sinabi ni Bea. "Ayoko munang umuwi, nakakatamad mag-aral sa bahay..."

"May tutorial session raw ngayon para sa Physics sabi ni Jerome," banggit ko kay Patrick. "Baka pwede tayong makisit-in sa kanila habang nakain."

Maginhawa Nights #TheWattys2022Место, где живут истории. Откройте их для себя