Chapter One Hundred and Forty-Six || Nathan

89 10 3
                                    

"H-Hindi ba masyado nang late para maglagay tayo ng decor na pang-Valentines'...?"

Nadatnan ko si Joaquin na nagdidikit ng mga hugis pusong colored paper sa mga bintana ng cafe isang hapon. Pagkatapos ata 'yun ng UP Fair... oo tama, dahil tumama 'yung Valentines' Day sa UP Fair Friday.

Nagreklamo pa nga ako sa kanya noon dahil huli na kami sa paglalagay ng mga decor eh dadalawang linggo na lang naman ang natitira bago mag-March, pero patuloy lang siya sa paggugupit ng papel na para bang hindi niya ako narinig.

"Babaan mo lang boses mo," utos ni Joaquin bago siya sumilip sa likod ng counter. "Baka marinig ka ni boss."

"Pero totoo naman ah...!" depensa ko. "Tapos na Valentines' day last week eh."

Tumalikod ako para makita na may nakasabit rin sa mga pader na mga lubid na may mga nakadikit na kulay pink at pulang mga puso. Pati ang ilalim ng counter at hindi na rin nakaligtas sa mga dinidikit na puso ni Joaquin.

"G-Ginawa mo 'to lahat?" gulat na gulat kong tinanong sa kanya. "Hindi ba masyado nang nakakasakal 'yung palamuti natin sa sobrang dami?"

"Bitter ka lang," pang-aasar ni Joaquin bago siya magdikit ng isa pang puso sa salamin ng bintana. "Minsan na nga lang tayo maglagay ng decor dito sa cafe, magiging KJ ka pa."

"Ang sa akin lang, onting respeto naman para sa mga sawi."

"Sus, nasaktan ka lang dati, akala mo sa'yo na umiikot ang buong mundo."

Naggupit pa si Joaquin ng isang maliit na puso saka niya ito idiniin sa noo ko, sa pagitan ng dalawang kilay ko.

"Ayan, baka sakaling magkaroon ka ng puso," biro niya sa akin bago niya niligpit ang kalat niya. "Kaya wala ka pa ring jowa hanggang ngayon eh."

Tinanggal ko na ang papel na nilagay ni Joaquin sa mukha ko, na hanggang ngayon ay nakadikit pa rin sa aking noo. Tinuklap ko ito, at nagulat ako nang makita ko itong basang-basa ng aking pawis.

Hala, ganito pala ka-oily 'yung mukha ko?

"Magbihis ka na't tulungan mo ako sa ginagawa kong cupcakes," utos ni Joaquin. "Luto na siguro 'yung sinalang ko sa oven kanina."

"Oh, bihira ka lang mag-bake ng cupcakes ah..." Pinunasan ko ang pawis sa noo ko gamit ang aking panyo. "Wag mong sabihin pati mga bine-bake mo eh Valentines' themed rin?"

"Siyempre naman! Kulay pink at strawberry flavor pa nga 'yung frosting eh."

"Gumawa ka pa talaga ng seasonal menu para lang sa Valentines'...?" tanong ko sa kanya habang naglalakad papunta sa break room.

"Oo, red velvet cake naman gagawin ko mamaya—"

Napahinto kaming dalawa ni Joaquin nang marinig namin ang pagbukas ng pintuan ng cafe. Dali-dali kaming tumalikod para batiin ang bagong dating na customer.

"Hello, good afternoon! Welcome to Caffeine Corner!"

Si Diane lang ang pumasok, pero parang gulat na gulat siya. Siguro ay dahil hindi pa ako nakakapagbihis ng uniform namin.

"Ay, did I arrive too early ba?" tanong ni Diane sa aming dalawa nang mapansin niya na walang katao-tao sa harap ng cafe bukod sa aming dalawa ni Joaquin. "Anong oras na ba..."

"Anong ginagawa mo dito?" Bumalik si Joaquin sa counter para kausapin si Diane. "Ikaw lang mag-isa?"

"No, I'm just waiting for my groupmates to arrive here. We're doing a project kasi for our Fil 40 class..." Nakita ni Diane ang mga pusong nakasabit sa pader sa kanyang kaliwa. " Love the Valentines decor, by the way."

Maginhawa Nights #TheWattys2022Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang