Chapter Fourteen || Nathan

580 12 2
                                    

"Nakasakay ka na ba ng bus?"

Mabilis na lumipas ang Biyernes at bago ko pa ito malaman ay naghahanda na ako para umuwi sa Cavite. To be honest, hindi na ako nakapag-focus masyado sa mga class ko kanina dahil nauna na atang bumiyahe pa-Cavite 'yung utak ko. Uwing-uwi na talaga ako simula pa kanina nung pagkagising ko.

Alas otso y media na ng gabi, at kahit na kaninang 3 pa ako ready umuwi ay hinintay ko munang matapos ang rush hour bago ako pumunta ng UP Town Center para sumakay ng bus pa-Ayala. Mas matatagalan kasi biyahe ko kung umalis na kaagad ako ng Diliman by 3 pm, at ayoko namang umupo sa bus nang halos limang oras dahil sa traffic.

Imbes kasi na mag-abang na lang ako ng bus sa SM North EDSA katulad ng ginagawa ni Kate kapag nauwi siya pa-Cavite ay sinabihan na lang ako nila Papa na sa Ayala na lang sumakay ng bus papunta sa Cavite. Although mas mahal 'yung babayaran ko dahil nga dalawang bus pa 'yung sasakyan ko, mas mabilis naman 'yung biyahe ko compared kay Kate. Di ko nga lang alam kung dahil ba 'yun sa ruta na dinadaanan namin o dahil late evening na ako bumabiyahe pauwi.

At gaya ang anumang gabi tuwing Biyernes ay masiglang-masigla ang UP Town Center. Lahat ng mga restaurant sa loob ay puno ng mga employee at estudyante na gustong i-reward ang kanilang mga sarili for surviving this week. Maraming mga estudyanteng naglilibot sa mall na suot-suot pa ang mga ID nila. 'Yung mga taga-Miriam College nga naka-uniform pa.

Kakaalis ko pa lang ng condo, at naglalakad na ako sa loob ng mall papunta sa terminal ng P2P bus. Sana lang walang pila ngayon... minsan kasi meron, minsan naman wala. Depende kung traffic sa Katipunan.

Di ko alam kung paano ako natatawagan ngayon ni Joaquin samantalang kalagitnaan ng shift niya ngayon sa cafe. Di ko rin alam kung hinahanap na ako ng boss namin. Nasabihan kaya siya ni Joaquin na hindi ako sisipot sa shift bukas?

"Hindi pa. Papunta pa lang," sagot ko kay Joaquin. "Paano mo ako natatawagan ngayon? Wala bang customers sa labas?"

"Wala, nasa labas nga ako ng cafe ngayon eh."

"Hinahanap na ba ako ni boss? Baka naman mamaya hindi mo pa siya nasasabihan na wala ako bukas eh."

"Nasabihan ko na! Eh hindi na nga siya nakapag-reklamo dahil kanina lang niya nalaman na pauwi ka na pala ngayong gabi. You're welcome."

 "Salamat ha?" Binagalan ko 'yung pananalita ko para malaman ni Joaquin na sarcastic ako sa sinabi ko. "Na-appreciate ko 'yung sacrifice mo..." 

"Sige na, pinapabalik na ako ni boss sa loob. Message mo ako kung nakauwi ka na."

Binaba na kaagad ni Joaquin ang tawag para bumalik sa trabaho.

Habang naglalakad ako sa loob ng mall ay may nadaanan akong busker malapit sa event center ng mall. May sarili siyang mic stand at acoustic guitar, at maraming mga tao ang nanonood sa cover niya ng Torete ng Moonstar88. Kinuha ko ang wallet ko para maghulog sana ng tips sa guitar case ng busker, pero pagkabukas ko ay wala na pala akong barya. Sayang naman.

Naalala ko na naman tuloy si Jerome.

Hindi man siya nage-excel academically, bumawi naman siya sa pagkanta at paggigitara. Magdadala siya ng gitara sa classroom sa bawat chance na meron siya. Tapos ic-cover niya halos lahat ng sikat na OPM na alam mo. Sumali nga rin siya sa songwriting contest nung foundation week ng school namin, with him claiming the first runner-up spot.

Nagapg-uusapan nga namin dati na pwede siya maging OPM artist sa future — nasa kanya na lahat eh: 'yung skills, 'yung charm, 'yung itsura... hindi na ako magugulat kung makakakuha siya ng contract sa mga malalaking music label at maging sikat siya balang araw.

Maginhawa Nights #TheWattys2022Место, где живут истории. Откройте их для себя